Angeli Khang, wish mabawasan ang sexy scenes sa pelikula; AJ Raval, no-show sa presscon ng "Us x Her"

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2022
angeli khang aj raval not smiling
Angeli Khang (left) on AJ Raval (right): “Kinabahan ako dahil lagi kaming pinagkukumpara, but I think it’s normal. Kinabahan ako but also exciting. Kaba in a good way. Nung nandoon kami sa set, kulitan, food trip… After ng mga scene, kuwentuhan. Masaya na kasama si AJ.”
PHOTO/S: Instagram

Sina AJ Raval, Angeli Khang, at Kiko Estrada ang lead stars ng Us x Her, ang drama-sexy movie na mula sa direksiyon ni Jules Katanyag.

Hindi nakadalo si Direk Jules sa digital media conference ng Us x Her dahil nagkaroon ng conflict sa kanyang schedule, pero may mensahe siyang binasa ng presscon host na si Phoebe Walker.

Sabi ng direktor, “I thank Viva for giving a platform to this kind of story. The only problem now is to reduce two hour and a half material to a hundred minutes because of the performance of AJ, Angeli, and Kiko are very hard to edit out.

“I’m very excited to show you this film soon. It is very different, hopefully not too pretentious... I’m kidding.”

Hindi rin sumipot si AJ pero walang dahilang sinabi tungkol sa hindi niya pagdalo sa reunion movie nila ni Angeli, na kanyang unang nakatrabaho sa sexy-thriller movie na Taya noong 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Us x Her ang pelikulang ginagawa ng dalawa nang kumalat noong July 2022 ang balitang nagdadalang-tao si AJ na paulit-ulit at mahigpit nitong pinabulaanan.

Read: Balitang buntis si AJ Raval, confirmed nga ba? Shooting ng Us X Her, na-pack up dahil kay AJ?

Read: AJ Raval flaunts sexy body on IG Live: "Huwag na kayong masyadong nagpapaniwala sa chismis."

Kinabahan naman si Angeli sa muling pagsasama nila ni AJ sa isang pelikula dahil sa diumano’y madalas na pagkukumpara sa kanila.

Saad niya, “Kinabahan ako dahil lagi kaming pinagkukumpara, but I think it’s normal.

“Kinabahan ako but also exciting. Kaba in a good way. Nung nandoon kami sa set, kulitan, food trip…

“After ng mga scene, kuwentuhan. Masaya na kasama si AJ.”

Hindi rin alam ni Angeli ang dahilan sa hindi pagsipot ni AJ sa Zoom presscon ng kanilang pelikula.

Ang Us x Her ang ikasampung pelikula ni Angeli.

Sa solo face-to-face presscon niya noong May 13, 2022 para sa Pusoy, nagbitaw siya ng salitang magpapahinga muna siya kapag umabot na sa sampu ang bilang ng mga proyektong ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa digital media conference ng Us x Her, ang mabawasan na ang sexy scene niya sa pelikula ang hiling ni Angeli dahil pakiramdam nito ay nagsasawa na ang mga tao sa kanyang katawan.

“Sana mag-lessen na yung mga sexy scene ko, like Us x Her and also Girl Friday.

"I hope na papunta naman ako sa roles na katulad ng movie na ito and Girl Friday na more on acting, less on katawan scenes.

“Feel ko, nagsasawa na yung mga tao sa katawan ko kaya I hope na mabigyan ako ng wholesome movies.”

Mag-uumpisa ang streaming ng Us x Her sa Vivamax Plus sa November 21.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Khang (left) on AJ Raval (right): “Kinabahan ako dahil lagi kaming pinagkukumpara, but I think it’s normal. Kinabahan ako but also exciting. Kaba in a good way. Nung nandoon kami sa set, kulitan, food trip… After ng mga scene, kuwentuhan. Masaya na kasama si AJ.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results