Watch Now

Jeric Gonzales, tahimik lang sa balitang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo

by Jojo Gabinete
Oct 24, 2022
jeric gonzales rabiya mateo halloween
Naispatan sa Sparkle Halloween Ball ang Start-Up PH actor na si Jeric Gonzales at si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na magkatabi ng upuan, dahilan para magkaroon ng espekulasyong nagkabalikan na ang dalawa.
PHOTO/S: Sany Chua / Nelson Canlas

Muling nabuhay ang balitang nagkabalikan sina Jeric Gonzales at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil nakunan sila ng litratong magkatabi sa Sparkle Spell Halloween Ball.

Ginanap ang halloween party sa isang bar sa Taguig City, Lingo ng gabi, October 23, 2022.

Read: SPOTTED: Pretty women dressed to kill at The Sparkle Spell Halloween Party 2022

Si Princess Jasmine ng Aladdin ang inspirasyon ng Halloween costume ni Rabiya, at si Clark Kent naman ng Superman ang karakter ni Jeric sa Halloween Ball ng Sparkle na kanilang dinaluhan.

Ipinadala namin kay Jeric ang link ng report ng GMA News tungkol sa larawan nila ni Rabiya na kuha ng GMA News reporter na si Nelson Canlas sa Halloween Ball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero wala siyang reaksiyon kaya hindi na kami nagtanong dahil baka gusto niyang manatiling pribado ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Higit sa lahat, ayaw naming mapilitan si Jeric na magsinungaling kung sakali mang totoo ang usap-usapang nangyari ang reconciliation nila ni Rabiya nang magkita sila sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, 2022, pagkatapos ng kanilang pinag-pistahang breakup noong June 2022.

Read: Are Jeric Gonzales and Rabiya Mateo back in each other’s arms?

Pero nang banggitin naming pinupuri ng televiewers ang kanyang pagganap sa Start-Up PH, mabilis ang sagot ni Jeric na tuwang-tuwa at nagpapasalamat dahil sa positive comments na natatanggap niya.

Pahayag niya, “Masayang-masaya ako! Siyempre, I am proud na natapos na namin ang taping ng Philippine adaptation ng Start-Up na isang global hit Korean drama.

“Hanggang ngayon, I am still overwhelmed na natapos na namin ito at ako yung gumanap na Davidson Navarro.

“I am proud of myself kasi hindi basta-basta yung role ko. Isa siya sa mga pinakaimportanteng karakter sa story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya to be able na magampanan ko nang maayos at marinig ang good comments ng mga tao, masayang-masaya ako kasi pinaghandaan ko po itong mabuti at ibinigay ko ang best ko.

“Pinag-aralan ko, pinanood ko, at ni-review ang original version para talagang malaman ko ang atake na gagawin ko."

Maligayang-maligaya rin si Jeric dahil sa mga papuri sa kanya ng mga co-star niyang sina Niño Muhlach at Bea Alonzo.

“Naku, salamat naman,” reaksiyon ni Jeric nang malaman nitong gustung-gusto siya ni Niño na gumaganap na tatay niya sa Start-Up PH.

Sabi naman niya tungkol sa lead actress ng kanilang teleserye, “Idol ko si Bea ever since. Hindi ko akalain na makakasama ko siya.”

Hindi nakalimutan ni Jeric na magpasalamat kay Jerry Sineneng, ang direktor ng kanilang primetime drama series at sa mga co-star niyang sina Alden Richards at Yasmien Kurdi.

Malaki ang pasasalamat ni Jeric kay Alden dahil ito ang nagrekomenda sa GMA-7 management na isama siya sa cast ng Start-Up PH.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nasayang o nabalewala ang rekomendasyon ni Alden kay Jeric dahil napansin ng mga tao ang natural at mahusay na pag-arte niya sa programa nila.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naispatan sa Sparkle Halloween Ball ang Start-Up PH actor na si Jeric Gonzales at si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na magkatabi ng upuan, dahilan para magkaroon ng espekulasyong nagkabalikan na ang dalawa.
PHOTO/S: Sany Chua / Nelson Canlas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results