Watch Now

Dating sexy actress, nagtatrabaho na ngayon bilang security guard

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nagtatrabaho ngayon bilang security guard ang dating sexy actress na nagbida sa mga pelikula noong teenager pa siya.

Maganda ang kuwento ng buhay ng former actress na kapupulutan ng mga aral dahil nalampasan niya ang mga pagsubok na pinagdaanan noon.

Bilang security guard, na isang marangal na trabaho, ang tunay na pangalan ang ginagamit ng dating aktres.

Maganda pa rin ang mukha ng dating sexy actress, pero iilan na lamang ang nakakaalala na minsan siyang naging bahagi ng showbiz.

Mapayapa na ang pamumuhay ng dating aktres kaya naiintindihan namin ang desisyon niyang huwag nang magpainterbyu sa amin dahil isa rin ito sa kahilingan ng kanyang mga anak.

Kahanga-hanga ang sakripisyo na ginagawa ng aktres para sa mga anak niyang matagal nawalay sa kanya.

Kung ibang mga dating artista ang nasa katayuan niya, tiyak na sasamantalahin nila ang pagkakataong makapanayam dahil maaari itong makatulong para makabalik sila sa showbiz.

Pero ang kapakanan at damdamin ng mga anak ang isinaalang-alang ng dating aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Martes ng umaga, October 25, 2022, nakausap namin ang movie producer na nagbigay sa aktres ng malaking break sa pelikula.

Humanga rin siya sa desisyon ng kanyang dating contract star na huwag magpainterbyu.

“Tama, dapat huwag na siyang magpainterbyu,” sabi ng movie producer, na natuwa nang makita nito ang larawan ng former sexy star na nakasuot ng uniporme ng security guard.

Tinanong namin ang movie producer ang kanyang mga alaala tungkol sa sexy star na nagbago ang takbo ng buhay nang bigyan niya ng starring-role movies.

“She’s a fun-loving girl. She has no inhibitions in showing off her sexy body,” sabi nito.

“Nagbuntis siya” ang sagot naman ng movie producer nang alamin namin ang dahilan kaya napilitan ang contract star niyang talikuran noon ang showbiz at ang very promising career.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results