Thai billionaire Anne Jakrajutatip, nabili ang Miss Universe sa halagang US$14 million

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2022
anne jakrajutatip miss universe logo
Thai billionaire Anne Jakrajutatip becomes the "first woman" owner of Miss Universe; acquires the ownership of the international beauty pageant for US$14 million.
PHOTO/S: Miss Universe Thailand Instagram

Anim na milyong dolyar (US$6 million) ang natipid ng Thai billionaire transgender woman na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip dahil nabili niya ang Miss Universe Organization sa halagang US$14 million.

Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe

Si Anne ang chief executive officer ng JKN Global Group, ang bagong may-ari ng Miss Universe Organization na unang ibinebenta ni Ari Emanuel noong September 2022 sa presyong US$20 million.

Si Emanuel ang CEO ng Endeavor, ang nagmamay-ari sa Miss Universe Organization (MUO), Ultimate Fighting Championship (UFC), at William Morris Talent Agency.

Sinabi ni Anne sa Bangkok Post na nagkaroon ng kasunduan ang JKN sa Endeavor Group Holdings na may hawak ng copyrights ng Miss Universe.

Itinatag ng JKN Global Group sa Amerika ang JKN Metaverse Inc. Ito ang mangangasiwa sa magaganap na paglilipat ng lahat ng MUO shares sa limang kompanya: IMG Universe FranchCo, Miss USA BR Production, MUO Productions, at Miss USA Productions OH.

Kapag naayos na ang acquisition o pagkuha ng JKN Meteverse Inc., JKN Universe na ang magiging bagong pangalan ng IMG Universe at makikilala na bilang JKN Universe FranchCo ang IMG Universe FranchCo.

Isang pagbati kay Anne ang ipinarating sa kanya ng Miss Universe Thailand dahil isang karangalan na siya ang “first woman” owner sa kasaysayan ng Miss Universe Organization.

Ibinahagi rin ng Miss Universe Thailand ang joint statement nina Amy Emmerich, Chief Executive Officer, at Paula Shugart, MUO President, tungkol sa pagbili ng kompanya ni Anne sa MUO.

Nakasaad dito: "We are excited to continue the evolution of The Miss Universe Organization with JKN. Our relationships with global partners and brands have never been stronger; and our progressive approach continues to position us at the forefront of our industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We would like to thank IMG for providing us a foundation to realize our aspirations for the brand."

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai billionaire Anne Jakrajutatip becomes the "first woman" owner of Miss Universe; acquires the ownership of the international beauty pageant for US$14 million.
PHOTO/S: Miss Universe Thailand Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results