Watch Now

Dennis Trillo, pupunta ng New York para sa 50th International Emmys?

by Jojo Gabinete
Oct 30, 2022
Dennis Trillo
Hindi basta makakaalis si Dennis Trillo ng bansa dahil sa taping ng Maria Clara at Ibarra, ang phenomenal prime-time drama series ng Kapuso Network. Pero kung kakayanin ng schedule, game si Dennis na makasama sa 50th International Emmys kunsaan nominado ang On The Job: The Missing 8.
PHOTO/S: Maria Clara at Ibarra

Lilipad sa New York City sa November 10, 2022 ang Reality MM Studios producers na sina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Dadalo sila sa awards night ng 50th International Emmys na magaganap sa November 21, 2022 sa New York Hilton Hotel.

Nominado sa Best TV Movie or Miniseries category ng 50th International Emmys ang On The Job: The Missing 8, ang original series na mula sa direksyon ni Matti kaya importante sa kanila ni Dondon na makadalo sa gabi ng parangal.

Si Dennis Trillo ang isa sa mga bida ng On The Job: The Missing 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi magkakaroon ng conflict sa taping ng Maria Clara at Ibarra ng GMA-7, gusto niya sumama sa New York trip nina Matti at Monteverde dahil malaking karangalan din sa kanya na nominado sa International Emmys ang kanilang pelikula.

"Hindi pa ako sure pero kung hahayaan ako ng schedule para makasama, why not, di ba?" sabi ni Dennis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nainterbyu ng PEP si Dennis sa industry premiere ng On The Job: The Missing, na ginanap sa Greenbelt Cinema 2, noong Biyernes, October 28, 2022.

Hindi basta makakaalis si Dennis ng bansa dahil sa taping ng Maria Clara at Ibarra, ang phenomenal prime-time drama series ng Kapuso Network.

On The Job: The Missing 8

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TOP-RATING MARIA CLARA AND IBARRA

Incidentally, nabahala ang loyal viewers sa YouTube ng Maria Clara at Ibarra dahil hindi nila napanood noong Biyernes ang programa na kanilang sinusubaybayan.

"The video uploader don’t allow it in your country," ang nakasaad sa YouTube channel na binuksan nila.

Kaya naglabas ang GMA Network Inc. management ng anunsyo na simula bukas, Lunes, October 31, maaaring mapanood sa gmanetwork.com/kapusostream at sa GMA Mobile App ang livestream ng Maria Clara at Ibarra tuwing 8:00 p.m.

Magandang balita ito para sa viewers na hindi naaabutan sa telebisyon ang airing ng pinag-uusapan na historical portal drama-fantasy series.

Barbie Forteza in Maria Clara and Ibarra

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi basta makakaalis si Dennis Trillo ng bansa dahil sa taping ng Maria Clara at Ibarra, ang phenomenal prime-time drama series ng Kapuso Network. Pero kung kakayanin ng schedule, game si Dennis na makasama sa 50th International Emmys kunsaan nominado ang On The Job: The Missing 8.
PHOTO/S: Maria Clara at Ibarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results