Hashtags members, nag-reunion sa Family Feud ng GMA-7

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2022
hashtags members
Naglaro ang Hashtags members na sina Tom Doromal, Ryle Santiago, Zeus Collins, at Luke Conde sa Kapuso game show ni Dingdong Dantes na "Family Feud."
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network

Ikinagalak ng mga tagahanga ng Hashtags ang reunion ng apat sa miyembro ng all-male group na dating regular na napapanood sa It’s Showtime, ang noontime variety show ng ABS-CBN, sa Family Feud.

Sina Luke Conde, Tom Doromal, Zeus Collins, at Ryle Santiago ang former members ng Hashtags na naglaro sa October 31, 2022 episode ng top-rating game show ni Dingdong Dantes sa GMA-7.

Pero "Rehashtags" ang pangalan ng grupo na kanilang ginamit sa unang pagkakataon na sama-samang paglabas nila sa isang programa ng Kapuso Network.

Sa apat na ex-members ng Hashtags, si Luke ang natatanging certified Kapuso dahil lumipat siya sa GMA-7 at pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong June 2021.

Read: Hashtags member Luke Conde signs with GMA Artist Center

Masuwerte ang Rehashtags sa kanilang guesting sa Family Feud dahil napanalunan nila ang jackpot prize na P200,000.

Si Zeus ang nagsilbing spokesperson ng Rehashtags kaya siya ang nagpasalamat dahil naimbitahan silang maglaro sa Family Feud.

Sabi pa niya, “Talagang gabi-gabi naming pinapanood ito sa YouTube ng girlfriend ko.

"Kapag busy, talagang nanonood kami sa YouTube kaya masaya kami dahil nandito kami."

Ang guesting sa Family Feud ng Hashtags members ng ABS-CBN ang nagbigay ng pag-asa sa kanilang mga tagahanga na masundan pa ang paglabas nila sa ibang mga programa ng Kapuso Network.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglaro ang Hashtags members na sina Tom Doromal, Ryle Santiago, Zeus Collins, at Luke Conde sa Kapuso game show ni Dingdong Dantes na "Family Feud."
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results