Watch Now

Balitang buntis si Sarah Geronimo, hindi totoo

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2022
sarah geronimo matteo guidicelli
A source from the camp of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli denies rumor that the singer-actress is pregnant.
PHOTO/S: @matteog and @justsarahgph

Pinabulaanan ng isang taong malapit kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang mga haka-hakang buntis na ang singer-actress sa magiging panganay nila ng kanyang asawa.

Tiniyak ng kausap ng Cabinet Files na walang katotohanang nagdadalantao na si Sarah.

Maraming beses nang pinagdudahang buntis si Sarah buhat nang magpakasal sila ni Matteo sa isang Christian ceremony noong February 20, 2020.

Read: Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli are now married; Matteo allegedly punched Sarah's bodyguard

Kung sakaling magbuntis na si Sarah, walang dahilan para ilihim nila ni Matteo sa publiko ang kanyang kalagayan dahil legally married sila at hindi dapat itinatago ang biyaya mula sa Panginoong Diyos.

Imbes na maniwala sa mga sabi-sabi o gawing pahulaan ang sitwasyon ni Sarah, mas makabubuting maghintay na lamang ang publiko na manggaling sa kanila ni Matteo ang kumpirmasyon o ang pagtanggi.

Nasa wastong edad na sina Sarah at Mateo para magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Higit sa lahat, wala talagang rason para maglihim si Sarah dahil hindi ito katulad ng dalawang sexy stars na isinisikreto ang pagbubuntis bilang proteksiyon sa mga showbiz career at sa mga lalakeng nakadisgrasya sa kanila.

Ang walang katotohanang balita na buntis umano si Sarah ang isyu ngayon tungkol sa kanya, ilang araw matapos niyang humingi ng kapatawaran sa mga magulang niya.

Read: Sarah Geronimo to her parents: “Patawad po.”

Kasabay nito ang paglabas ng mga bagong kanta ng Filipino Ultimate Pop Superstar, ang "Coure" at ang "Dati-Dati."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A source from the camp of Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli denies rumor that the singer-actress is pregnant.
PHOTO/S: @matteog and @justsarahgph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results