Watch Now

Catriona Gray at Anne Jakrajutatip, nagharap na sa unang pagkakataon

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2022
catriona anne miss universe extravaganza
Isa sa mga highlight sa isinagawang Miss Universe Extravaganza sa Bankok, Thailand ay ang paghaharap s entablado nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang bagong Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip.
PHOTO/S: Twitter

Umalingawngaw ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga manonood sa loob ng Siam Pavalai Royal Grand Theatre ng Paragon Complex sa Bangkok, Thailand, nang magkasama sa entablado sa kauna-unahang pagkakataon si Miss Universe 2018 Catriona Gray at si Anne Jakrajutatip.

Si Anne ang Thai transgender billionaire na bagong may-ari ng Miss Universe Organization.

Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe

Maingay ang reaksiyon sa pagkikita nina Catriona at Anne dahil alam ng halos lahat na pareho silang nagkaroon ng kaugnayan sa Filipino-German model-actor na si Clint Bondad.

Si Clint ang boyfriend ni Catriona nang magwagi itong 67th Miss Universe na ginanap sa Bangkok noong December 17, 2018.

Pero March 2018 nang kumpirmahin ng aktor ang kanilang paghihiwalay.

Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray confirms breakup with Clint Bondad

Ipinagtapat naman ni Anne noong July 2020 na siyam na buwan nang naninirahan si Clint sa kanyang bahay sa Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, kapatid lamang ang turing nila sa isa’t isa pero mas marami ang naniniwalang mahigit pa sa magkapatid ang kanilang naging samahan.

Read: Thai billionaire trans woman clarifies real score with Clint Bondad

Kasama si Catriona sa mga nagwaging Miss Universe na inimbitahan sa Miss Universe Extravaganza na isa sa mga unang proyekto ni Anne bilang bagong may-ari ng Miss Universe Organization.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon na ginanap nitong Lunes ng hapon, November 11, sina Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Miss Universe 2020 Andrea Meza, Miss Universe 2011 Leila Lopes, at Miss Universe 2005 Natalie Glebova.

miss universe queens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe 2020 Andrea Meza, Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip, Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Miss Universe 2011 Leila Lopes, and Miss Universe 2005 Natalie Glebova

Tulad ni Catriona, kinoronahan ding Miss Universe si Natalie sa Impact Arena ng Bangkok nang magwagi siya noong May 31, 2005.

Read: Catriona Gray is Miss Universe 2018!

Hindi kagaya sa malupit na mga miyembro ng media sa United Kingdom, walang lip reader at body language experts sa Miss Universe Extravaganza kaya interesadong-interesado ang mga mahihilig sa isyu at intriga na malaman ang mga sinabi ni Anne kay Catriona nang magyakapan sila at gawaran nila ng beso-beso ang isa’t isa.

catriona and anne miss universe extravaganza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mabigyan ng pagkakataon si Catriona na magsalita sa entablado, ikinuwento niya ang mga kabutihang ipinadama sa kanya ng Thai people bago pa man siya nanalong Miss Universe.

Pahayag niya, “It goes without any explanation that this country has a very, very, very special place in my heart but something that’s so poignant about the kindness of the Thai people is that when I was younger, I was around 19 years old, I actually lived in Bangkok for three or four months.

And that same kindness, that same courteousness that I was shown back when, you could say I was a nobody, was still shown to me…”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga highlight sa isinagawang Miss Universe Extravaganza sa Bankok, Thailand ay ang paghaharap s entablado nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang bagong Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results