Watch Now

Ex-couple na sina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera, magre-reunion sa isang musical-comedy show

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2022
aiai delas alas miguel vera
Magsasamang muli ang dating mag-asawang sina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera sa entablado sa pamamagitan ng musical comedy show na "Ang Dating Kami," na itatanghal sa Bristol Civic Auditorium, sa Bellflower, California, sa January 21, 2023.
PHOTO/S: @aiaidelasalas / @migsvera on Instagram

Makalipas ang napakatagal na panahon, magsasama sa isang musical-comedy show ang ex-couple na sina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera.

Read: Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera's daughter Sophia marries fiancé in a civil ceremony in Los Angeles

Ang Dating Kami ang witty title ng musical-comedy show ng dating mag-asawa. Itatanghal ito sa Bristol Civic Auditorium sa Bellflower, California, sa January 21, 2023.

Bukod sa reunion show nila ang Ang Dating Kami, magiging pre-birthday presentation ito ni Miguel na magdiriwang ng kaarawan sa January 22.

ang dating kami poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging madali ang pagbuo sa show nina Ai-Ai at Miguel dahil pareho na silang naninirahan sa California.

“Naisip ni Miguel na magkaroon kami ng show dito sa Amerika nang manood siya ng Kapuso concert sa Los Angeles noong September.

"Okay ang concept dahil musical na comedy na may story. Parang Rak of Aegis pero love story namin.

"Si Miguel ang nakaisip ng title na Ang Dating Kami. Pero siyempre, mas malaki ang talent fee ko," nagbibirong sabi ni Ai-Ai.

Nasaksihan namin ang pagsasama at ang kuwento ng pagmamahalan nina Ai-Ai at Miguel noong dekada ’90, at isa kami sa mga makapagpapatunay na mahusay silang magpatawa kahit wala sa harap ng kamera.

Seryoso ang pagkakakilala ng mga tao kay Miguel pero lingid sa kanilang kaalaman, natural na natural ang pagiging komedyante niya.

Alam ng mga kaibigan ni Miguel na kung pagpapatawa ang pag-uusapan, kayang-kaya niyang tapatan at sabayan si Ai-Ai na tiyak na masasaksihan ng mga nagbabalak manood ng Ang Dating Kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kanya-kanya nang pamilya ang dalawa at magkaibigan na sila dahil tapos na ang mga araw ng kanilang away-bating relasyon na epekto ng kabataan nila noon.

Nang tanungin namin si Ai-Ai tungkol sa kasalukuyang estado ng pagkakaibigan nila ni Miguel, umiral ang pagiging comedienne niya dahil sa kanyang sagot .

“Okay kami. As of today, magkaibigan kami. Sana hanggang sa show,” sabi niya, kasunod ang matunog na halakhak.

Hindi man humantong sa "forever" ang pagmamahalan nila ni Miguel noon, walang anumang panghihinayang na nararamdaman si Ai-Ai.

Aniya, “Wala akong pinanghihinayangan, thankful ako dahil may mga anak kami na pogi at maganda.”

Sina Nicolo at Sophia ang mga anak nina Ai-Ai at Miguel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsasamang muli ang dating mag-asawang sina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera sa entablado sa pamamagitan ng musical comedy show na "Ang Dating Kami," na itatanghal sa Bristol Civic Auditorium, sa Bellflower, California, sa January 21, 2023.
PHOTO/S: @aiaidelasalas / @migsvera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results