Watch Now

Miss World Organization, may bagong co-owner?

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2022
karolina bielawska dipendra gurung
Miss World 2021 Karolina Bielawska (left) attends a private party hosted by Dipendra Gurung (right) fuelling rumors that the Gurung family is now the new co-owner of Miss World Organization.
PHOTO/S: @missworld on Instagram

Ang mga pagbabago sa mga nagmamay-ari ng popular international beauty pageants ang mga nangyayari ngayong 2022.

Matapos kumpirmahin ng Thai transgender billionaire na si Anne Jakrajutatip noong October 2022 ang pagbili niya sa Miss Universe Organization, hinihintay na lamang ang opisyal na pahayag ng Miss World Organization tungkol sa diumano’y bagong kahati ng pamilya Morley sa pagmamay-ari ng international beauty contest na itinuturing na pinakamatagal sa buong mundo.

Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe

Maugong ang balitang co-owner na ng Miss World ang Gurung family.

Inanunsiyo ito sa 8th Edition ng Climate Change Frum London noong nakaraang buwan.

Magsisimula ang partisipasyon ng Gurung family sa 71st Miss World na magaganap sa 2023.

Pangungunahan ito ng founder na si Dipendra Gurung, ang British businessman mula sa Nepal.

Si Dipendra ang may-ari ng Europe-based Himalaya Jet company at ng Privé Luxury Cinemas na may mga sangay sa iba’t ibang panig ng mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Karolina Bielawska ng Poland ang reigning Miss World.

Ang pagdalo niya kamakailan sa private party na si Dipendra ang host ang indikasyong may katotohanan ang balitang co-owner na rin ng Miss World Organization ang pamilya ng mayamang negosyante.

Noong December 2021, tinatayang nalugi ang Miss World Organization ng limang milyong dolyar (US$5 million) nang makansela ang coronation night ng 70th edition ng Miss World sa San Juan, Puerto Rico dahil mahigit sa dalawampung kandidata at labinlimang miyembro ng production staff ang tinamaan ng COVID-19.

Read: Miss World 2021 postponed due to COVID-19 cases

Natuloy ang koronasyon noong March 16, 2022, pero apatnapu (40) na lamang mula sa 97 na opisyal na kandidata ang lumahok bilang pagtitipid ng Miss World Organization.

Read: Miss World Organization announces new date of coronation night in Puerto Rico

Si Gwendolyne Fourniol ang ipapadala ng Miss World Philippines Organization sa 71st Miss World pero hinihintay pa ang announcement tungkol sa bansa at petsa na pagdarausan ng patimpalak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World 2021 Karolina Bielawska (left) attends a private party hosted by Dipendra Gurung (right) fuelling rumors that the Gurung family is now the new co-owner of Miss World Organization.
PHOTO/S: @missworld on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results