Watch Now

Tropang LOL hosts, hinihintay na ang pagbabalik ni Billy Crawford

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2022
billy crawford fauve hautot danse avec les stars
Billy Crawford: “OMG!!! Can’t believe I won!!! It really is for God!”
PHOTO/S: @billycrawford on Instagram

Hinihintay na ng mga kasamahan ni Billy Crawford sa Lunch Out Loud (LOL) ang kanyang pagbabalik sa kanilang morning program dahil nasasabik na silang muling makasama ang grand champion ng 12th season ng Danse avec les stars (Dancing With The Stars), ang sikat na dance competition television series sa France.

Read: Billy Crawford wins French edition of Dancing With The Stars

“Excited na nga kami na bumalik siya pero I’m sure, sobrang dami ng offers sa kanya sa France. Ang galing ni Billy,” sabi ni Bayani Agbayani, ang co-host ni Billy sa late morning variety show ng TV5, nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes ng gabi, November 15, 2022.

“May Viber group kami at doon namin binati si Billy. Nagpasalamat siya sa support naming lahat at sa mga dasal,” dagdag na pahayag ni Bayani.

Read: Bayani Agbayani, idineklarang No. 2 noontime show sa bansa ang Lunch Out Loud

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May regular na komunikasyon si Bayani kay Billy mula nang magpunta ito sa France noong August 2022 para sa partisipasyon niya sa Danse avec les stars.

Kailangan na ni Billy bumalik sa Pilipinas sa katapusan ng Nobyembre para sa ibang mga proyekto niya, bukod sa kanyang hosting job sa LOL.

Hindi pa rin makapaniwala si Billy na siya ang itinanghal na grand champion ng Season 12 ng Danse avec les stars ang mensaheng ipinadala niya sa kanyang mga kasamahan sa LOL.

“OMG!!! Can’t believe I won!!! It really is for God!” reakisyon ni Billy sa mga congratulatory message na natanggap niya mula sa LOL hosts.

Hanggang ngayong Martes ng gabi, hindi pa natatapos ang pasasalamat ni Billy sa lahat ng mga sumuporta sa pagsali niya sa Danse avec les stars, kagaya ng mga kababayan nating gumigising ng madaling-araw para panoorin ang kanyang mga live performance.

Bahagi ng pasasalamat ni Billy sa lahat ng mga sumuporta at naniwala sa kanyang kakayahan: “To all the public who voted for me and Fauve in the end, THANK YOU!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My wife Coleen, I love you, my family, never could’ve done it with out you guys sacrificing being here. Lord God, You are absolutely an amazing God!

“To my country PH who tries to follow updates on what’s going on even if it’s super early in the am, thank you all for this experience as it will be forever imprinted in my heart.

“In the end, hard work really does pay off! I will miss ALL of you tremendously. With all the love in the world, before the trophy, I have already won cause of the relationships we have built! Till next time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford: “OMG!!! Can’t believe I won!!! It really is for God!”
PHOTO/S: @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results