Watch Now

Vilma Santos, magkakaroon ng 60th anniversary special sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2022
Vilma Santos, 15 Greatest Actresses
Vilma Santos on her 60 years in showbiz: “Hindi lahat ay nabibiyayaan nang ganyan katagal sa kanilang propesyon na 60 years! Bonus pa ng payback time when I became a public servant!"
PHOTO/S: Ronnie Salvacion for YES! Magazine October 2015

Mapalad ang Star for All Seasons na si Vilma Santos dahil kabilang siya sa mga iilang alagad ng sining na nabigyan ng pagkakataong ipagdiwang ang 60th anniversary sa entertainment industry.

Siyam na taon pa lamang si Vilma nang magsimula ang acting career niya.

Read: Vilma Santos recalls being scolded by the late Ishmael Bernal after she won a grand slam

Bago matapos ang 2022, isang TV special tungkol sa diamond anniversary ng kanyang pinakamamahal na propesyon ang mapapanood sa Kapamilya Channel.

Naging mabuti kay Vilma ang showbiz kaya "heaven" at "thankful sa blessings" ang sagot ng legendary at respected actress nang aming itanong ang kanyang pakiramdam sa ika-60 anibersaryo ng showbiz career niya.

“Hindi lahat ay nabibiyayaan nang ganyan katagal sa kanilang propesyon na 60 years! Bonus pa ng payback time when I became a public servant!" masayang pahayag ni Vilma sa mensaheng ipinadala niya sa Cabinet Files ngayong Miyerkules ng hapon, November 16, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na maalaala ni Vilma ang eksaktong buwan nang magsimula ang kanyang pagiging artista, pero tandang-tanda niyang siyam na taon siya noon.

Lubos ang pasasalamat ni Vilma sa Panginoong Diyos at sa publiko dahil utang na loob niya sa mga ito ang lahat ng kanyang mga tinatamasa ngayon.

“To the public and my followers, maraming-maraming salamat po! Thank you Lord!” umaapaw ang galak na pasasalamat ng Star for All Seasons.

Hindi pa naglalabas ng announcement ang ABS-CBN tungkol sa 60th anniversary special ni Vilma.

Pero natuklasan ito ng entertainment press dahil nadulas sa pagsasalita ang Philippine King of Talk na si Boy Abunda nang ipakilala ito bilang celebrity ambassador ng isang international remittance company noong Lunes, November 14, 2022.

Read: Boy Abunda on rumored return to GMA-7: "I wanna go back to television."

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makaharap sa isang one-on-one interview kung sakaling bumalik na siya sa telebisyon, ito ang sagot ni Boy: “Hindi ko alam kung puwede na ba itong sabihin, Vi [Vilma] is doing her 60th anniversary in showbiz and I’m doing her interview and I am excited.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagyang natigilan si Boy nang mapagtanto nito ang kanyang pagkakamali kaya humingi siya ng tawad kay Chit Guerrero, ang producer ng anniversary special ni Vilma.

Sabi niya, “Patawarin mo ako Chit Guerrero, but I am excited.

"I've done Vi so many times but this is different. Parang looking back at her body of work for the last sixty years."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on her 60 years in showbiz: “Hindi lahat ay nabibiyayaan nang ganyan katagal sa kanilang propesyon na 60 years! Bonus pa ng payback time when I became a public servant!"
PHOTO/S: Ronnie Salvacion for YES! Magazine October 2015
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results