Watch Now

Coleen Garcia, nasa France pa rin kasama si Billy Crawford at ang kanilang anak

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2022
coleen garcia billy crawford france
Coleen Garcia on stay in France with husband Billy Crawford and their daughter: "Out of the three months that we’ve been here, one day lang kami sa hotel. The rest of the time, apartment. So siyempre, iba siya sa buhay-Pinas na may mga katulong, may mga nag-aalalay sa amin. Dito, talagang we had to do everything ourselves, so ibang experience talaga siya.”
PHOTO/S: @coleen on Instagram

Hindi pa makababalik sa Pilipinas sa huling linggo ng Nobyembre ang pamilya ni Billy Crawford dahil mananatili sila sa France hanggang sa umpisa ng December 2022.

Nanggaling ang impormasyong ito mula sa kanyang asawa na si Coleen Garcia.

Nagpunta sina Billy, Coleen, at ang kanilang anak na si Amari sa France noong August 2022 dahil kasali ang singer-TV host sa French dance competition na Danse avec les stars at siya ang tinanghal na grand champion noong November 11.

Read: Billy Crawford wins French edition of Dancing With The Stars

Pero kahit tapos na ang contest, hindi pa sila makakauwi sa Pilipinas.

Sabi ni Coleen, “We’re still in France, we’re in Leon. We’ll be here siguro until the start of December.”

Itinanggi ni Coleen na nagbabakasyon sila ni Billy sa France nang makausap siya ng entertainment press sa digital media conference ng Kaluskos na naganap nitong Huwebes ng hapon, November 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Actually, sobrang hindi siya bakasyon. Hindi talaga siya feeling vacation.

"Out of the three months that we’ve been here, one day lang kami sa hotel. The rest of the time, apartment.

"So siyempre, iba siya sa buhay-Pinas na may mga katulong, may mga nag-aalalay sa amin.

“Dito, talagang we had to do everything ourselves, so ibang experience talaga siya.”

ON ACCEPTING PROJECTS

May paliwanag si Coleen tungkol sa limitadong pagtanggap niya ng mga proyekto dahil ang pag-aalaga sa anak nila ni Billy ang kanyang prayoridad.

“I don’t think I purposely limit pero mahirap din for every production to consider din na bitbit ko yung anak ko and everything.

“Parang mahirap din naman to consider pero wala, e, non-negotiable pa talaga siya kasi I never spent one single night away from Amari.

“So, nagpapasalamat talaga ako kasi ang Viva saka si Direk [Roman Perez Jr., direktor ng Kaluskos] they’re really so understanding about that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I don’t think, lalo na siguro kung teleserye, na magiging madali siya kung palagi kong kasama si Amari and it will not last forever kasi hindi naman siya bata forever. Inuuna ko lang talaga siya now."

Tanggap ni Coleen ang posibilidad na muling magbuntis o masundan na si Amari pero ipinauubaya niya sa Panginoong Diyos ang lahat dahil base sa kanyang karanasan, hindi madali ang magpalaki ng anak.

Saad niya, “It’s a good time, it’s a good time naman, but it’s still up to God pa rin, at the end of the day.

“Na-realize ko din naman na akala ko kasi, nung pregnant ako, sabi ko, ‘Ay, madali lang ito. Parang nine months lang ang mawawala sa akin.’ Pero hindi.

“Two years na yung nawala sa akin na I don’t feel like it’s gonna be cut short anytime soon.

“Raising a child is not easy and ang sa akin kasi, gusto ko lang matutuhan si Amari and I feel like if we have another child now, doable naman, manageable naman, pero the way na natututukan namin siya ngayon, iba kasi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Although we can multi-task, mas gusto ko yung focus talaga and then, kapag nakakausap na namin siya, nakakaintindi na siya, mae-explain na namin at maiintindihan niya, yun ang ideal time talaga para sa akin na masundan siya.”

Ang Kaluskos ang pangalawang pelikula na ginawa ni Coleen buhat nang isilang nito si Amari noong September 2020, at kauna-unahang proyekto niya na ipalalabas sa mga sinehan sa November 30, habang unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay ng lahat ng mga tao sa buong mundo na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coleen Garcia on stay in France with husband Billy Crawford and their daughter: "Out of the three months that we’ve been here, one day lang kami sa hotel. The rest of the time, apartment. So siyempre, iba siya sa buhay-Pinas na may mga katulong, may mga nag-aalalay sa amin. Dito, talagang we had to do everything ourselves, so ibang experience talaga siya.”
PHOTO/S: @coleen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results