Ganap na ang pagiging aktres ni Yen Santos dahil siya ang hinirang na Pinakamahusay Na Aktres sa 45th Gawad Urian.
Ginanap ang awards night sa Cine Adarna ng UPFI Film Center sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City, ngayong Huwebes ng gabi, November 17, 2022.
Read: On The Job: The Missing 8 sweeps 45th Gawad Urian; John Arcilla, Yen Santos win top acting honors
Si Yen ang ibinoto na Pinakamahusay Na Aktres ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino dahil sa kanyang pagganap sa A Faraway Land, ang "makasaysayang pelikula" nila ni Paolo Contis.
Kinunan ang mga eksena ng pelikula sa Faroe Islands, Kingdom of Denmark, at ipinalabas ito sa Netflix simula noong August 19, 2021.
Read: Paolo Contis at Yen Santos, nominado sa 45th Gawad Urian; magkasama kaya sila sa awards night?
Makasaysayan para kay Yen ang A Faraway Land dahil ito ang nagbigay sa kanya ng unang acting award niya mula sa Urian, at nag-umpisa sa set ng pelikula sa Faroe Islands ang relasyon nila ni Paolo.
Hindi pa nagsasalita si Yen mula nang magkaroon siya ng kaugnayan kay Paolo, pero madalas silang nakikitang magkasama “as a friend.”
Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio
Isa si Paolo sa maligayang-maligaya sa tagumpay ni Yen kaya maagap siyang nag-post ng congratulatory message para sa girlfriend sa kanyang Facebook account.
“Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile," may tono ng pagmamahal na pagbati ni Paolo sa kasintahan.
Inilagay rin ni Paolo sa kanyang Facebook post ang larawan ni Yen na kasama ang Gawad Urian best actor na si John Arcilla, na nanalo naman para sa corrupt journalist character niya sa On The Job: The Missing 8.
Dahil matagal nang hindi nakikita ng publiko si Yen, hindi kaagad nakilala ng ilang netizens ang aktres dahil sa nagbagong physical appearance nito sa larawang ibinahagi ni Paolo sa Facebook.
Magdiriwang si Yen ng 30th birthday sa November 20 kaya isang maagang regalo ang parangal na ipinagkaloob sa kanya ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.