Watch Now

The Voice Italy 2014 winner, tinalikuran ang pagmamadre para sa pangarap maging singer

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2022
cristina scuccia the voice italy
Cristina Scuccia, the nun who won in The Voice Italy in 2014, has abandoned the religious life and is now working as a waitres in Spain and still pursuing her dream to become a singer.
PHOTO/S: YouTube

Kung may Chin Chin Gutierrez sa Pilipinas na iniwanan ang acting career para iukol ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Panginoong Diyos, may Sister Cristina naman ang Italy na tinalikuran ang pagiging madre para magtrabaho bilang waitress sa Spain at pinanindigan ang pangarap maging mang-aawit.

Read: Chin Chin Gutierrez: From award-winning actress to full-fledged nun

Si Cristina Scuccia, na madre ng Ursuline Sisters of the Holy Family sa Milan, ay sumali sa Season 2 ng The Voice of Italy noong 2014.

Si Cristina ang itinanghal na grand champion dahil bukod sa paborito ng mga coach, sinuportahan ng mga Italyano ang kanyang paglahok sa sikat na singing competition.

Ang "No One" ni Alicia Keys ang audition piece ni Cristina sa The Voice of Italy. Mayroon na itong 104 million views sa YouTube dahil sa kanyang popularidad.

Sa final show ng The Voice of Italy noong June 5, 2014, nagkaroon ng duet number si Cristina kay Kylie Minogue at kinanta nila ang "Can’t Get You Out of My Head" na labis na ikinagalak ng manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang announcement na ang 28-year-old nun ang nagwagi sa The Voice of Italy, pinasalamatan ni Cristina ang Diyos at binigkas ang "The Lord’s Prayer" para sa audience ng programa kaya walang mag-aakalang babaguhin niya ang landas na kanyang tinatahak.

Makalipas ang walong taon, ibang-iba na ang hitsura ni Cristina dahil wala na ni katiting na bakas na dati siyang madre.

Noong November 20, 2022, isang napakaganda at sopistikadang babae ang napanood sa Italian program na Verissimo.

Nagkuwento si Cristina tungkol sa kanyang desisyong iwanan ang kumbento para mabigyan ng atensiyon ang musical career niya.

“I believe that you need to listen to your heart with courage. Change is a sign of evolution, but it is always scary because it is easier to anchor oneself to one’s certainties rather than questioning oneself. Is there a right or wrong?” bahagi ng pahayag ni Crisina sa Verissimo.

Ipinagtapat ni Cristina na tinulungan siya ng isang psychologist sa pagproseso sa pasyang umalis sa kumbento, pero hindi ito nangangahulugang tinalikuran niya ang kanyang pananampalataya dahil sa kagustuhang magkaroon ng singing career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I chose to follow my heart without thinking about what people would say about me.

“I took a leap of faith and was worried about ending up under a bridge, I always repeated this to my psychologist,” sabi ni Scuccia.

Hindi raw niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa dahil maligaya siya ngayon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristina Scuccia, the nun who won in The Voice Italy in 2014, has abandoned the religious life and is now working as a waitres in Spain and still pursuing her dream to become a singer.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results