Watch Now

Lyca Gairanod, natuloy ba ang joint birthday celebration nila ni Karen Davila?

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2022
lyca gairanod debut
Lyca Gairanod on being 18 years old: “Masaya! Sobrang iba sa lahat dahil nasa legal age na ako so kailangan ko na pag-isipang mabuti at mag-ingat sa lahat ng mga gagawin ko.”
PHOTO/S: @lycagairanod.1 on Instagram

Noong November 21, 2022 ang 18th birthday ni Lyca Gairanod.

Pero bukas pa lamang niya ipagdiriwang ang kanyang kaarawan na natatandaan ng publiko dahil sa malakas na makagulat na viral video nila ng broadcast journalist na si Karen Davila noong nakaraang taon.

Read: Karen Davila on her viral “eksaherada” reaction: “Guilty ako dito.”

Siyam na taon ang edad ni Lyca nang sumali at tanghaling grand champion sa Season 1 ng The Voice Kids noong July 27, 2014.

Read: Lyca Gairanod of Team Sarah wins The Voice Kids

Gaya ng madre na si Sister Cristina Scuccia, na hinirang na grand champion ng The Voice of Italy noong June 2014 kaya magkasabay ang pag-uumpisa ng kanilang mga singing career, napakalaki na rin ng pagbabagong-anyo ni Lyca na isa nang ganap na dalaga.

Read: The Voice Italy 2014 winner, tinalikuran ang pagmamadre para sa pangarap maging singer

“Soon po!” natatawa niyang sagot nang itanong ng Cabinet Files kung handa na ba siyang tumanggap ng mga manliligaw at pumasok sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman ang feeling na 18 ka na?

“Masaya! Sobrang iba sa lahat dahil nasa legal age na ako so kailangan ko na pag-isipang mabuti at mag-ingat sa lahat ng mga gagawin ko,” sagot ni Lyca sa eksklusibong pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng gabi, November 24.

Paano mo ipinagdiwang ang birthday mo noong November 21?

“Actually, I have work noon, so ang nangyari, parang nagkaroon ako ng birthday concert sa Araneta Coliseum pero sobrang saya naman.

“Ang birthday wish ko, e, magtagal sa showbiz, i-bless pa ako ni God at safety ng family ko,” pahayag ng youngstar na mainstay ng sitcom na Kalye Kweens ng TV5.

Pareho ang mga araw ng kapanganakan nina Lyca at ni Karen. Natuloy ba ang napag-usapan nila noong joint birthday celebration?

“Binati ako ni Momshie Karen. Binati ko rin siya but hindi kami nakapag-celebrate dahil may work ako,” sabi ni Lyca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para maging memorable ang kanyang 18th birthday, isang glamorous at "sultry" pictorial ang naisip na gawin ni Lyca.

Saad niya, “Idea ko [ang concept ng pictorial]. Alam naman ng lahat na mahilig ako sa mga peaceful place at yung black, parang simbolo na 18 years old na talaga ako."

Pero hindi umano ito nangangahulugang sasabak na siya sa daring at sexy roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, no! Mahiyain at boyish na boyish ako kaya hindi ko rin alam…"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lyca Gairanod on being 18 years old: “Masaya! Sobrang iba sa lahat dahil nasa legal age na ako so kailangan ko na pag-isipang mabuti at mag-ingat sa lahat ng mga gagawin ko.”
PHOTO/S: @lycagairanod.1 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results