Darryl Yap at Vince Tañada, muling magtatapat ang mga pelikula sa 2023?

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2022
cesar isko jk nicole
(Left) Cesar Montano and Isko Moreno during their look test as Ferdinand Marcos and Ninoy Aquino, respectively, for the movie "Martyr or Murderer"; (Right): JK Labajo and Nicole Asensio are reportedly co-starring in the movie adaptation of the musical play "Ako Si Ninoy."
PHOTO/S: Viva Films / @jklabajo_official on Instagram

Hindi imposibleng muling magtapat ang mga proyekto ng mga direktor na sina Darryl Yap at Vince Tañada tulad ng nangyari noong August 3, 2022 nang magkasabay magbukas sa mga sinehan ang kanilang mga controversial movie.

Si Darryl ang nagdirek ng Maid in Malacañang, na tungkol umano sa mga huling araw ng pamilya Marcos sa loob ng Malacañang Palace nang sumiklab ang People Power Revolution noong February 1986.

Si Vince naman ang direktor ng Katips, isang musical film na tumalakay sa mga sinapit ng mga estudyanteng aktibista noong panahon ng martial law.

Ang Martyr or Murderer ang bagong proyektong pinagkakaabalahan ni Darryl.

Tungkol sa mga pumanaw na si ex-President Ferdinand Marcos at former Senator Benigno "Ninoy" Aquino ang kuwento ng pelikula.

Balak kunan sa Ilocos Norte ang mga eksena ng Martyr or Murderer dahil nagmula sa naturang probinsya ang dating Pangulo at ama ni President Ferdinand Marcos Jr.

Si ex-Manila City Mayor Isko Moreno ang gaganap na Ninoy, at muling gagampanan ni Cesar Montano ang karakter ni Marcos sa Martyr or Murderer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang binigyang-buhay ni Cesar ang katauhan ni Marcos Sr. sa Maid in Malacañang, samantalang si Marco Gumabao ang napili para gumanap na batang Marcos sa Martyr or Murderer.

Magsisimula sa susunod na linggo ang shooting ni Isko para sa unang pelikula na gagawin niya matapos ang tatlong taong paglilingkod niya bilang alkalde ng Maynila.

Napabalita noon na gusto ni Darryl na si Phillip Salvador ang gumanap na Ninoy sa Martyr or Murderer, pero walang alok na natanggap ang award-winning actor.

Hindi rin babagay kay Phillip ang role dahil sa agwat ng edad nila ni Ninoy.

Sa kasalukuyan, 69 years old na si Phillip, at 50 years old lamang si Ninoy nang paslangin ito sa tarmac ng Manila International Airport noong August 21, 1983. Kaya hindi talaga magiging kapani-paniwala na gampanan niya sa pelikula ang karakter ng ama ng kanyang dating karelasyong si Kris Aquino.

(Trivia: August 21 ang araw ng kapanganakan ni Phillip at nagdiriwang siya ng ika-30 kaarawan nang paslangin si Ninoy sa Manila International Airport.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maaaring maulit ang box-office showdown nina Darryl at Vince dahil gagawin ng huli ang movie version ng musical stage play na isinulat niya at itinanghal noong 2009, ang Ako Si Ninoy.

Ang singer na si JK Labajo ang gaganap na Ninoy sa pelikula ni Vince na balak nitong ipalabas sa mga sinehan sa February 2023, ang araw ng paggunita sa ika-37 anibersaryo ng EDSA Revolution na dahilan kaya napatalsik ang pamilya Marcos mula sa puwesto sa Malacañang Palace.

Coincidentally, kasama sa cast ng Ako Si Ninoy si Joaquin Domagoso, ang anak ni Isko na gaganap na Ninoy sa pelikula ni Darryl.

Kaya may isyu agad kung sakaling mangyari ang tapatan ng dalawang direktor na magkasalungat ang mga pananaw sa pulitika.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Cesar Montano and Isko Moreno during their look test as Ferdinand Marcos and Ninoy Aquino, respectively, for the movie "Martyr or Murderer"; (Right): JK Labajo and Nicole Asensio are reportedly co-starring in the movie adaptation of the musical play "Ako Si Ninoy."
PHOTO/S: Viva Films / @jklabajo_official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results