Watch Now

Jeric Gonzales, may kasunod na project kaagad pagkatapos ng Start-Up PH

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2022
Jeric Gonzales speaks up about old scandal
Jeric Gonzales will be one of the lead stars in the upcoming action-adventure series Urduja Jewels, alongside Kylie Padilla and Gabbi Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Alden Richards ang nagrekomenda kay Jeric Gonzales para makasama ito sa cast ng Start-Up PH.

Read: Why Jeric Gonzales will always be grateful to Alden Richards

Kahit nagbida na siya sa ibang mga programa ng GMA-7, ang Philippine version ng Start-Up ang itinuturing ni Jeric na pinakamalaking proyekto niya. Bukod kay Alden, nabigyan din siya ng pagkakataong makatrabaho si Bea Alonzo sa unang TV series nito sa Kapuso Network.

Nakatakdang magwakas sa December 2022 ang Start-Up PH pero hindi mababakante si Jeric dahil nag-umpisa na ang training niya para sa Urduja Jewels, ang action-adventure series na pangungunahan nila nina Kylie Padilla at Gabbi Garcia.

Kasama rin sa Urduja Jewels sina Vin Abrenica, Kristoffer Martin, Arra San Agustin, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan, at Zoren Legaspi.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, magaganap sa susunod na linggo ang story conference para sa Urduja Jewels at magsisimula sa December 5 ang taping ng buong cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming dahilan para maging masaya si Jeric sa bagong project nito dahil sa magagandang plano para sa kanya ng home studio niya.

Napansin ang mahusay na pagganap ni Jeric sa Start-Up PH at may mga nagsasabing panahon na para iangat siya sa mas mataas na antas bilang aktor.

Ang Urduja Jewels ang inaasahang umpisa ng pamumukadkad ng kanyang acting career kaya hindi nagkamali si Alden sa rekomendasyon sa kanya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Jeric kay Bea at sa mga tagahanga nito na nangakong susuportahan ang kanyang career dahil nagustuhan nila ang tambalan ng dalawa sa Start-Up PH.

Dahil malapit na ang pagtatapos ng Start-Up PH, ang mga mahahalagang eksena ang mapapanood simula ngayong Biyernes ng gabi, November 23, tulad ng rebelasyon na iisang tao lamang si Good Boy at si Tristan, ang karakter na ginagampanan ni Alden.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales will be one of the lead stars in the upcoming action-adventure series Urduja Jewels, alongside Kylie Padilla and Gabbi Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results