Joaquin Domagoso, nasorpresa na nanalong best actor sa Toronto

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2022
joaquin domagoso gma gala
Joaquin Domagoso on his first best actor award: “I still feel like I have much to learn pa. Sa totoo lang po, marami pa ang kulang sa akin. I still have so much more that I want to create and show kaya I’m very humbled with this award because it reminds me that I’m on the right path.”
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram

Isang malaking sorpresa para kay Joaquin Domagoso ang best actor award na kanyang natanggap mula sa 16th Toronto Film and Script Awards para sa That Boy in the Dark, ang launching movie niya na ipalalabas sa mga sinehan sa January 2023.

Read: Joaquin Domagoso wins best actor at 16th Toronto Film and Script Awards

Hindi inaasahan ni Joaquin na mapapansin ng Canada-based award-giving body ang kanyang pagganap sa That Boy in the Dark na mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at direksiyon ni Adolf Alix Jr. kaya taos-puso ang pasasalamat niya.

Pahayag niya sa Cabinet Files, “I was very overwhelmed when I got the news that I won best actor.

“Nagpapasalamat ako sa Maykapal sa opportunity at recognition He gave me for this award. And to my manager Wowie Roxas, my number one supporter for my career.

“Never ko in-expect na mapupunta sa akin ang best actor award kaya po I’m very grateful to the team behind the decision-making.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa palagay ko po, nanalo ako as best actor because of the challenge I had to face playing a going blind character which became very troubling lalo na sa mga eksena na may takbuhan o bugbugan.

“I still feel like I have much to learn pa. Sa totoo lang po, marami pa ang kulang sa akin.

"I still have so much more that I want to create and show kaya I’m very humbled with this award because it reminds me that I’m on the right path.”

Nagtanong din kami kay Joaquin tungkol sa bagong kabanata ng buhay nito bilang ama, na unang kinumpirma ng kanyang tatay, si former Manila City Mayor Isko Moreno, noong July 2022.

Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”

Pero pinili ni Joaquin na huwag magsalita.

Nauunawaan namin ang hindi pagsagot o pagkukuwento ni Joaquin tungkol sa anak niyang si Scott Angelo Domagoso, na isinilang noong April 28, 2022, dahil maaaring kagaya siya ng ibang mga showbiz personality na malaki ang pagpapahalaga sa pribadong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ina ng anak ni Joaquin ay ang kanyang girlfriend na si Raffa Castro, anak ng actor at newscaster na si Diego Castro.

Postscript: Dalawang baguhan ang ipinakikilala sa launching movie ni Joaquin, ang aspiring actor na si Kiko Ipapo at si Aneeza Gutierrez.

that boy in the dark

Si Aneeza ang panganay na anak nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado na kasalukuyang nag-aaral sa Singapore kaya hindi muna magiging aktibo sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso on his first best actor award: “I still feel like I have much to learn pa. Sa totoo lang po, marami pa ang kulang sa akin. I still have so much more that I want to create and show kaya I’m very humbled with this award because it reminds me that I’m on the right path.”
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results