Marco Gumabao, kahilerang tumanggap ng parangal ang mga bigating tao sa negosyo at politika

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2022
marco gumabao formal
Actor Marco Gumabao is named Person of the Year by Rotary Club Aseana Manila alongside Philippine Airlines President/CEO Stanley Ng, former Ilocos Sur Governor Luis Singson, Quezon City Mayor Joy Belmonte, philantrophist Tingting Cojuangco, and Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram

Person of the Year ang parangal na iginawad kay Marco Gumabao ng Rotary Club Aseana Manila noong Biyernes, November 25, 2022. Ginanap ito sa clubhouse ng Green Meadows Subdivision sa Quezon City.

Malaking karangalan para kay Marco ang natanggap na pagkilala mula sa Rotary Club Aseana dahil co-awardees niya sina Philippine Airlines President/CEO Stanley Ng, former Ilocos Sur Governor Luis Singson, Quezon City Mayor Joy Belmonte, philantrophist Tingting Cojuangco, at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga bumubuo ng Rotary Club Aseana Manila dahil pinili nila ako as 2022 Person of the Year," mensahe ni Marco para sa mga opisyal ng Rotary Club Aseana Manila na kinabibilangan ni Von Valdepenas, ang asawa ng former ABS-CBN actress at PTV45 host na si Chi Atienza.

Kasabay ng pagtanggap ni Marco ng parangal ang pagdiriwang ng anibersaryo at induction ng mga bagong opisyal ng Rotary Club Aseana Manila.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Marco ang special guest na si Dingdong Dantes.

Dating presidente ng samahan si Dingdong, at nagsalita siya tungkol sa kanyang isang taong panunungkulan sa transition period ng Rotary Club Aseana Manila na itinuturing niya na isang blessing.

dingdong dantes rotary aseana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dingdong Dantes

Ang parangal mula sa Rotary Club Aseana Manila at ang pelikulang gagawin niya, ang Martyr or Murderer, ang dalawa sa mga magandang pangyayari kay Marco bago matapos ang 2022.

Napabalitang kasama si Marco sa cast ng television remake ng Saan Nagtatago ang Pag-Ibig? na pangungunahan nila nina Yassi Pressman at Ken Chan, pero hindi pa nag-uumpisa ang taping kaya nagtataka ang mga nag-aabang sa drama series na mapapanood dapat sa GMA-7.

Read: Yassi Pressman, Ken Chan, Marco Gumabao headline Saan Nagtatago ang Pag-ibig? series

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Marco Gumabao is named Person of the Year by Rotary Club Aseana Manila alongside Philippine Airlines President/CEO Stanley Ng, former Ilocos Sur Governor Luis Singson, Quezon City Mayor Joy Belmonte, philantrophist Tingting Cojuangco, and Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results