Jake Cuenca, payag mag-frontal nudity pero may mga kundisyon

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2022
jake cuenca with shades
Jake Cuenca on doing frontal nudity in a movie: "Wala naman akong limitations pero certainly pipilin ko yung pelikula na gagawin ko, like I’m not gonna do that for something."
PHOTO/S: Jerry Olea

Handa si Jake Cuenca magkaroon ng full frontal nudity scene sa pelikula, pero may mga kundisyon siya para mapapayag na gawin ang maseselang eksenang ginawa noon ni Sean de Guzman sa ilang mga proyekto nito.

Magkasama sina Jake at Sean sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry ng 3:16 Media Network at Mentorique Production na My Father, Myself.

"It really depends," sabi ni Jake sa solo media conference niya para sa My Father, Myself ngayong Martes, November 29, 2022.

“Wala naman akong limitations pero certainly pipilin ko yung pelikula na gagawin ko, like I’m not gonna do that for something.

“Kumbaga, if it’s a Hollywood film, yes, let’s do it. If it’s a film that’s going to Cannes or Venice or Oscar’s, let’s do it. Why not? I will not hold back.

“But if it’s something na baka, maybe, if, when, naku huwag na. Kung hindi rin sigurado na makakarating tayo doon, then maybe I won’t do it," hindi nagpaliguy-ligoy na sagot ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinuhulaang malakas ang magiging laban ni Jake sa best actor category sa Gabi ng Parangal ng 48th MMFF dahil sa kanyang powerful performance sa My Father, Myself.

Si Sean ang "love interest" ni Jake sa My Father, Myself.

Hindi lingid sa lahat na mapangahas ang baguhan na aktor sa kanyang launching movie, ang Anak ng Macho Dancer, dahil pumayag siyang gawin ang frontal nudity scene.

Read: Sean de Guzman hinay-hinay muna sa paghuhubad pagkatapos ipakita ang lahat sa Anak ng Macho Dancer

Ipinaliwanag ni Jake ang pagkakaiba ni Sean dahil kahit hindi pa siya nagpapakita sa pelikula ng pribadong bahagi ng kanyang katawan, naranasan na niyang gumawa ng mapapangahas na eksena.

Saad niya, “Ang difference namin ni Sean, matagal ko nang ginagawa ito, and even though hindi ako nag-full frontal, I have shown a lot. Ang dami ko nang naipakita.

"I will save that for the big one. I will save that for the big movie," sabi ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilatag ni Jake sa press ang mga plano para sa kanyang career sa susunod na taon— ang movie directorial debut niya at ang pagbibidahang stage play na may pamagat na Dick Talk.

Ikinuwento ni Jake na makakasama niya sa Dick Talk si Gold Aceron at ang isang big star na aktor na hindi pa niya puwedeng sabihin ang pangalan. Pero, ayon kay Jake, silang dalawa ang magiging poste ng kontrobersiyal na stageplay.

“Ang Dick Talk, parang Vagina Monologues. Pinag-uusapan namin ang mga dick namin.”

Nang tanungin kung ano ang sasabihin sa kanya ng private part niya kung sakaling nakapagsasalita ito,” Gamitin mo na ako!” walang kagatul-gatol na sabi ni Jake.

Nanindigan si Jake na hindi pa siya pumapasok sa bagong relasyon mula nang maghiwalay sila ng ex-girlfriend niya na si Kylie Verzosa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on doing frontal nudity in a movie: "Wala naman akong limitations pero certainly pipilin ko yung pelikula na gagawin ko, like I’m not gonna do that for something."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results