Watch Now

Thai trans beauty queen, nangangarap pakasalan ang kapwa trans girlfriend

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2022
kwang arissara elfty sasinat
Kwang Arissara (right, in both photos) with girlfriend Elfty Sasinat (left, in both photos) after she won Miss Healthy Thailand 2022 (left) and Miss Tiffany's Universe 2022 (right).
PHOTO/S: Instagram

May katapat sa 27th Miss Tiffany's Universe ang Miss Grand International 2020 candidates na sina Mariana Varela ng Argentina at Fabiola Valentin ng Puerto Rico.

Nagkakilala sina Mariana at Fabiola noong 2020 sa Thailand-based beauty contest na kanilang sinalihan, nagkaroon ng relasyon, at nagpakasal.

Read: Miss Grand Puerto Rico 2020 Fabiola Valentin, Miss Grand Argentina 2020 Mariana Varela get married

Ang transgender women counterpart nila ay ang 21-year-old nursing assistant na si Kwang Arissara at ang girlfriend nitong si Elfty Sasinat.

Si Arissara ang nagwaging Miss Tiffany's Universe 2022 sa coronation night na ginanap sa Tiffany Show sa Pattaya, Thailand, noong November 27, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-uusapan ang tagumpay ni Arissara sa 2022 edition ng Miss Tiffany's Universe 2022 dahil naging isang malaking isyu na pinatulan ng international press ang pag-akyat ni Sasinat sa stage para batiin siya at gawaran ng halik matapos ang koronasyon sa kanya.

Bukod sa pagwawagi ng Miss Tiffany's Universe, nanalo rin si Arissara bilang Miss Healthy Thailand 2022, ang titulong napanalunan din ni Sasinat noong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pantay na karapatan para sa mga kagaya nilang transgender women ang adbokasya na itinataguyod ni Arissara.

Nangangarap si Arissara na siya ang maging unang Miss Tiffany's Universe winner na magpapakasal sa kapwa trans woman para ipakita sa lahat ang kalayaan sa pagmamahal kapag pinayagan na sa kanilang bansa ang same-sex marriage.

Parehong maganda at babaeng-babae ang mga hitsura nina Arissara at Sasinat kaya pumukaw sa interes ng international media ang eksena ng paghahalikan nila sa grand coronation night ng 27th Miss Tiffany Universe.

Si Arissara ang kinatawan ng Thailand sa Miss International Queen 2023.

Kung papalaring manalo, siya ang magiging successor ni Fuschia Ravena ng Pilipinas, ang reigning Miss International Queen.

fuschia ravena with miss tiffany's winners

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kwang Arissara (right, in both photos) with girlfriend Elfty Sasinat (left, in both photos) after she won Miss Healthy Thailand 2022 (left) and Miss Tiffany's Universe 2022 (right).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results