Watch Now

Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, nag-renewal of vows sa kanilang fifth wedding anniversary

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2022
ai-ai delas alas gerald sibayan renewal of vows
Ai-Ai delas Alas o husband Gerald Sibayan: "Darl, this is our 5th anniversary and yung pagmamahal ko sa iyo, hindi pa rin magbabago kahit ilang anniversaries pa yun. Kahit tenth, fifteenth anniversaries, magpapakasal pa rin ako sa iyo."
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas

Sa December 12 pa ang ika-limang anibersaryo ng church wedding ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan, pero ipinagdiwang na nila ito sa pamamagitan ng renewal of vows sa Las Vegas, Nevada, noong Miyerkules, November 30, 2022.

ai-ai delas alas gerald sibayan renewal of vows

Si Gerald ang may desisyong muli silang magpakasal ni Ai-Ai sa kanyang kaarawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano nilang ulitin ang pag-iisang-dibdib sa ika-sampung taong anibersaryo, sa 2027, ng kanilang church wedding na naganap noong December 12, 2017 sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City.

Read: Ai-Ai delas Alas weds Gerald Sibayan: "Yes, super I do, Father!"

Mensahe ni Ai-Ai kay Gerald, “Darl, this is our 5th anniversary and yung pagmamahal ko sa iyo, hindi pa rin magbabago kahit ilang anniversaries pa yun.

“Kahit tenth, fifteenth anniversaries, magpapakasal pa rin ako sa iyo.

"I love you so much. I will love you forever and ever. Happy birthday!"

ai-ai delas alas gerald sibayan renewal of vows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot naman ni Gerald, “Kung ano yung promise ko kay Lord [sa church wedding] na kahit anong mangyari, mamahalin kita.”

Para sa kanilang 5th wedding anniversary celebration, isang singsing at Gucci bag ang ibinigay ni Gerald kay Ai-Ai, samantalang ang paboritong brand ng bag ang birthday gift ng Comedy Queen sa kanyang asawa.

ai-ai delas alas gerald sibayan renewal of vows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simpleng white dress na nilagyan niya ng blue veil ang kasuotan ni Ai-Ai sa renewal of vows nila ni Gerald.

Asul ang pinili ni Ai-Ai dahil iyon umano ang kulay ng mga nagdiriwang ng ika-limang anibersaryo ng kasal.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas o husband Gerald Sibayan: "Darl, this is our 5th anniversary and yung pagmamahal ko sa iyo, hindi pa rin magbabago kahit ilang anniversaries pa yun. Kahit tenth, fifteenth anniversaries, magpapakasal pa rin ako sa iyo."
PHOTO/S: Courtesy of Ai-Ai delas Alas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results