Watch Now

Pagsasama nina Charo Santos at Dingdong Dantes sa pelikula, matutuloy na sa wakas

by Jojo Gabinete
Dec 2, 2022
dingdong dantes  charo santos movie
After three years of planning, the movie starring former ABS-CBN boss Charo Santos-Concio and Kapuso actor Dingdong Dantes is all set to start. Titled "Love After Love," the movie is written and will be directed by Irene Villamor.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Kapwa nagalak si former ABS-CBN President Charo Santos-Concio at ang GMA-7 multi-awarded actor na si Dingdong Dantes dahil matutuloy na ang pagsasama nila sa isang pelikula matapos ang tatlong taong pagpaplano.

Love After Love ang working title ng proyekto na pagbibidahan nina Charo at Dingdong, at mula sa panulat at direksiyon ni Irene Emma Villamor.

"3 years in the making" Instagram post ni Charo ngayong Biyernes ng hapon, December 2, 2022, tungkol sa pelikulang gagawin nila ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s finally happening! After years in the making, this script will be brought to life…sometime next year,” pahayag naman ni Dingdong sa kanyang Instagram post.

Patuloy na tumatanggap ng mga papuri si Dingdong dahil sa kanyang husay bilang host ng Family Feud, ang top-rating game show ng Kapuso network.

Ang mainit na pagtanggap ng publiko sa Family Feud ang dahilan kaya malaki ang posibilidad na mabigyan ito ng extension at mapanood sa GMA-7 hanggang sa June 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Family Feud ni Dingdong Dantes, extended

Hindi lamang ang galing ni Dingdong bilang game master ng Family Feud ang pinupuri dahil napakagaan din niyang katrabaho, ayon sa production staff, kaya napakabilis ng taping nila para sa bawat episodes ng programa.

Ginagawa ni Dingdong ang kanyang mga tungkulin bilang isang responsableng game show host dahil nagsasaliksik siya at kinikilala niya ang mga social media infuencer na naiimbitahang maglaro sa Family Feud.

Mabilis ding mag-isip si Dingdong gaya na lamang sa episode ng Family Feud ngayong Biyernes, December 2. Maagap ang pagbibigay niya ng paalaala sa manonood nang magtanong siya sa 16-year-old actor na si Bryce Eusebio ng “Nakakailang shot ka ng alak bago malasing?” sa Fast Money segment.

“Ay, how old are you? Sixteen? Okay, paalaala lang po. Ito po ang sinurvey namin at sinagot lang niya [Bryce] ang tanong.

"Siyempre, ini-encourage natin na dapat nasa tamang edad bago ka uminom,” mensahe ni Dingdong para kay Bryce at sa viewers ng kanyang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After three years of planning, the movie starring former ABS-CBN boss Charo Santos-Concio and Kapuso actor Dingdong Dantes is all set to start. Titled "Love After Love," the movie is written and will be directed by Irene Villamor.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results