Watch Now

Myrtle Sarrosa, inaming nawalan ng love life dahil sa video games

by Jojo Gabinete
Dec 3, 2022
myrtle sarrosa cosplay
Myrtle Sarrosa on making money for playing video games: “Dahil naging endorser ako ng maraming brands, kasi mas ina-acknowledge nila ako sa games, I would say yes, because you are actually making a name for yourself because of the video games.”

Nagpakatotoo ang aktres at cosplayer na si Myrtle Sarrosa nang sabihin nitong mas gusto niyang pagtuunan ngayon ng panahon ang pagiging video gamer kesa gumawa ng pelikula dahil sa kakaibang fulfillment na kanyang nararamdaman.

Bukod dito, mas pinili rin niya ang video games kesa love life.

Nag-umpisa ang "love affair" ni Myrtle sa video games dahil sa kawalan ng mga gagawin at pagkakaabalahan nang magsimula ang coronavirus pandemic noong March 2020.

Sabi niya, “Of course, sa start ng pandemic, wala talagang ginagawa. It was very sad, nalungkot talaga ako.

“All I did was basically play video games, an entire year hanggang sa medyo naubos ko na yung lahat ng mga inipon ko.”

Eksklusibong nakausap ng Cabinet Files si Myrtle nang ilunsad siya bilang bagong ambassador ng Guitar Apparel sa pamamagitan ng isang show sa Fisher Mall, Quezon City, noong Miyerkules, November 30, 2022.

Masyadong buhos na buhos ang atensiyon at panahon ni Myrtle sa video games kaya tinanong namin siya kung may pera ba sa kinahuhumalingan niyang libangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil naging endorser ako ng maraming brands, kasi mas ina-acknowledge nila ako sa games, I would say yes, because you are actually making a name for yourself because of the video games,” sagot ni Myrtle.

Inamin din ni Myrtle na nawalan siya ng love life dahil pinili nito ang video games kesa sa ex-boyfriend niya. Pero walang bakas ng panghihinayang ang actress-gamer sa kanyang mga sumunod na pahayag.

Saad niya, “Hindi naman siya nagalit pero ako na yung nagsabi sa kanya na, ‘I don’t think with my time, may oras pa ako sa relationships, kasi I’d rather play games.

“Noong una, hindi niya naiintindihan, pero naintindihan niya rin and he let me go.

“Hindi naman sa hindi ko siya totoong mahal. Siguro there comes a point in time in life na there are things na more valuable sa 'yo.”

Itinuturing ni Myrtle ang kape na gasolina ng kanyang katawan para maging masigla siya kahit nararanasan niyang hindi matulog nang magdamag dahil sa paglalaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag umaga, kailangan ko ng kape kasi kapag masyado talagang naka-focus, kapag laging nakatingin sa computer screen.

“So far so good naman. I think I can still see everything pretty much clearly.

“Sa ngayon naman po, passionate ako sa ginagawa ko, so it’s not the kind of tired na pagod ka. It’s the kind of tired na pagod ka pero masaya ka.

“Sa umaga, normally five to six hours ako naglalaro pero iba’t ibang laro. Sa streams ko, normally, nasa four to five hours ako naglalaro.

“Naging investor na rin ako sa iba’t ibang games. So sometimes, they really ask o require me to… like for example, nito lang, lumipad ako sa London. Ang ginawa ko lang was to do the alpha test ng isang game.”

Hindi makapaniwala si Myrtle na ang pagkahumaling niya sa video games ang magbubukas ng malalaking oportunidad para sa kanya.

“Ang daming doors na nagbukas dahil nahilig ako sa video games at dahil mahilig ako sa cosplay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, lumilipad na ako sa iba’t ibang bansa dahil sa streaming, dahil sa video games. I just came from London, Singapore...

“Nagkaroon ako ng maraming opportunities representing various game and brands."

Kuwento pa ni Myrtle, “Ang nilalaro ko talaga, competitively, previously was Ragranok. Pero mas nakilala ako dahil sa Call of Duty: Warzone and most especially for MiR4.

“Yun ang first time ko na parang nagkaroon ako ng 16,000 live viewers habang naglalaro ako ng isang game.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Myrtle Sarrosa on making money for playing video games: “Dahil naging endorser ako ng maraming brands, kasi mas ina-acknowledge nila ako sa games, I would say yes, because you are actually making a name for yourself because of the video games.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results