Watch Now

Female showbiz personality, spoiled kay rich boyfie; may bodyguards na, may bagong kotse pa

by Jojo Gabinete
Dec 4, 2022
blind item female
Spoiled si female showbiz personality sa kanyang rich boyfie. Bukod sa bago ang sasakyan niya, may bodyguards pa.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Ang biglang pagbabago ng lifestyle ng isang female showbiz personality ang isa sa mga ebidensiya ng labis na pagmamahal sa kanya ng rich boyfie.

Hindi lang mayaman si boyfie, maimpluwensiya pa.

Bago ang mamahaling sasakyan na ginagamit ng female showbiz personality at may mga bodyguard na siyang kasama kapag dumarating sa set ng programa na kinabibilangan niya.

Naging maingat sa pakikitungo sa female showbiz personality ang mga kasamahan nito sa programa dahil nang minsang nakatampuhan niya ang isa sa kanyang mga katrabaho, kinausap ng mga bodyguard ang huli.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ng showbiz personality ang relasyon nila ng influential man dahil hindi naman niya inililihim.

Reportedly, may plano ang boyfriend ng showbiz personality na pasukin na rin ang entertainment business. Kapag natuloy ang plano ng influential personality, imposibleng hindi makinabang ang kanyang girlfriend na tiyak na mabibigyan ng mga bagong proyekto, na maaaring maging daan para makamit na niya ang pinakaasam-asam na recognition o pagkilala sa industriya na kinabibilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spoiled si female showbiz personality sa kanyang rich boyfie. Bukod sa bago ang sasakyan niya, may bodyguards pa.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results