Nabigo ang mga manonood ng It’s Showtime na umasang mapapanood na si Vhong Navarro sa noontime program ng Kapamilya Channel at TV5 nitong Miyerkules ng hapon, December 7, 2022.
Hindi nasilayan sa programa ang TV host-comedian pagkaapos nitong makalabas ng Taguig City Jail kahapon, December 6.
Pinagkalooban ng provisional liberty o pansamantalang kalayaan si Vhong, matapos magbayad ng piyansang isang milyong piso PHP1 million, ng Branch 69 ng Taguig City Regional Court para sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kanya noong January 2014.
Read: RTC allows Vhong Navarro to post P1M bail for rape
Isang malapit kay Vhong ang nagsabi sa Cabinet Files na plano ng TV host-comedian na magbalik sa It’s Showtime sa January 2023.
Nais muna rawe nitong magpahinga at, higit sa lahat, makapiling ang kanyang pamilya.
Halos tatlong buwang nawalay si Vhong mula sa pamilya niya nang mapiit siya sa National Bureau of Investigation (NBI) facility noong September 19, 2022.
Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended
Inilipat siya sa Taguig City Jail noong November 21, 2022.
Read: Vhong Navarro transferred to Taguig City Jail
Magiging masaya ang Pasko at Bagong taon ni Vhong dahil sa pansamantalang kalayaan na ipinagkaloob ng korte.
Magdiriwang si Vhong ng kanyang 46th birthday sa January 4, 2023 na inaasahang magiging makabuluhan dahil sa kalayaang nakamit niya.
May mga naniniwalang malaki ang posibilidad na itaon ni Vhong sa kanyang kaarawan ang pagbabalik niya sa It’s Showtime.
Related Stories:
- Court ruling shows Deniece Cornejo "inconsistencies" during cross-examination; Vhong Navarro lawyer speaks up
- Vhong Navarro posts P1M bail for temporary liberty
- Bianca Lapus reveals son Yce deeply affected when he visited dad Vhong Navarro at detention facility
- Vice Ganda expresses support for Vhong Navarro; NBI releases official photos of actor’s transfer to Taguig City Jail
- Cedric Lee testifies against Vhong Navarro in rape case
- Vhong Navarro refuses to enter plea in rape case filed by Deniece Cornejo
- Deniece Cornejo camp seeks immediate transfer of Vhong Navarro to Taguig City Jail
- Streetboys member Meynard Marcellano stands by Vhong Navarro amid legal battle
- Tanya Winona Bautista-Navarro fears for husband Vhong Navarro’s safety if transferred to Taguig City Jail
- Vhong Navarro lawyer baffled by revival of rape case against comedian-TV host