Hindi makapaniwala ang basketball player at aktor na si Ricci Rivero na nanguna siya sa listahan ng most-searched male and female personalities ng Google Philippines para sa 2022.
"Fake news" ang unang reaksyon ni Ricci nang marinig nito ang balita dahil mga international personality ang nasa listahan gaya nina Johnny Depp (No. 2), Chris Rock (No. 5), Andrew Garfield (No. 9), at Adam Levine (No. 10).
Kabilang din sa listahan ng Top 10 Most Searched Male Personalities ang Korean actors na sina Park Solomon (All of Us Are Dead, No. 3) at Ahn Hyo-seop (Business Proposal, No. 7); ang mister ni Bella Poarch na si Tyler Poarch (No. 4); at ang kapwa basketball stars ni Ricci na sina Juancho Hernangomez (No. 6) at Jordan Clarkson (No. 8).
Si Ricci ang nag-iisang purong Pinoy sa listahan.
Nakumbinsi si Ricci na totoo ang balita dahil sa mga lumabas na news report at dumami ang mga tao na nagta-tag sa kanya ng news links.
Pahayag ni Ricci sa Cabinet Files tungkol sa "surprise inclusion" niya sa Most Searched Personalities list ng Google Philippines, “2022 indeed is a memorable year for my basketball career and personal life.
“I am both surprised and humbled that a lot has been with me in my journeys thru Google Search. Kung ano man po ang dahilan ng inyong pagsubaybay, paghanga man o pagpuna, maraming salamat po sa oras na inyong binigay.
“Looking forward for a better 2023 for me and for all of us.”
Lalo itong pinagtibay ng kakaibang interes ng publiko na hindi nawawalan ng mga opinyon at reaksiyon tungkol sa relasyon nila ng aktres na si Andrea Brillantes.
Read: Andrea Brillantes, Ricci Rivero open up about their love story
Ang paglalaro ng basketball ang propesyon ni Ricci pero kasalukuyan siyang nagpapagaling sa kanyang injury na dahilan ng napaagang pagtatapos ng kontrata niya bilang manlalaro ng Taoyuan Pilots para sa P.League +, ang men’s professional basketball league ng Taiwan, kaya bumalik siya sa Pilipinas noong nakaraang buwan.
Malaki ang posibilidad na ipagpatuloy ni Ricci ang showbiz career niya at habang hindi pa siya puwedeng maglaro ng basketball, ang mga obligasyon para sa mga brand endorsement niya ang kanyang inaasikaso.