Direk Mikhail Red, nasorpresa sa lakas ng "Deleter" sa takilya

by Jojo Gabinete
Dec 26, 2022
mikhail red nadine lustre deleter
Deleter director Mikhail Red (left): "Proud and surprised that a R-rated horror film can do so well opening on Christmas day. This opened bigger than my previous horror film Eerie [2018]. I am very grateful that people came out to theaters to support. Really happy to see that the audience for local genre cinema is growing."
PHOTO/S: @red_mikhail on Instagram / Viva Films

Ang Deleter ang nag-iisang horror movie na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 na nagsimula kahapon, December 25.

Malaking sorpresa para sa direktor na si Mikhail Red na ang kanyang pelikula ang pumapangalawa sa Partners in Crime sa mga pinipilahan ng manonood sa takilya, base sa unofficial results ng box-office gross sa first day ng MMFF 2022.

Read: Anu-anong pelikula ang tinangkilik sa first day ng MMFF 2022?

"This is incredible news!" pahayag ni Red sa Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, December 26, tungkol sa box-office success ng Deleter.

Pinahahalagahan ito ni Red dahil ito ang kauna-unahang proyekto niyang kalahok sa MMFF.

Saad niya, “Proud and surprised that a R-rated horror film can do so well opening on Christmas day. This opened bigger than my previous horror film Eerie [2018].

“I am very grateful that people came out to theaters to support. Really happy to see that the audience for local genre cinema is growing.

"Thank you to everyone! Glad to see na we are slowly getting our audience and industry back."

Gumawa rin ng ingay ang Deleter sa social media kahapon dahil trending sa Twitter Philippines sa unang araw ng 48th Metro Manila Film Festival.

Ang Viva Films ang producer ng Deleter, na pinagbibidahan ni Nadine Lustre.

Maligayang-maligaya ang Viva Entertainment CEO na si Boss Vic del Rosario dahil dalawa sa mga pelikula ng kanyang kompanya ang pinipilahan ng publiko — ang isa ay ang Partners In Crime na co-production venture ng movie outfit niya at ng ABS-CBN Productions (Star Cinema).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling pinatunayan ng Viva Films na ito ang nangungunang film company sa Pilipinas dahil noong 2019, ang Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7 ang topgrosser sa 45th Metro Manila Film Festival.

Sa panahon ng pandemya, sumigla muli ang local movie industry nang ipalabas ang Maid in Malacañang sa mga sinehan noong August 3, 2022, at nagkaroon umano ng worldwide gross na P750 million.

Nagtagumpay rin ang Vivamax, ang streaming site na inilunsad noong January 29, 2021, kaya kasado na ang paglulunsad sa January 2023 ng Viva Prime, ang family-oriented streaming platform ng Viva Entertainment.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deleter director Mikhail Red (left): "Proud and surprised that a R-rated horror film can do so well opening on Christmas day. This opened bigger than my previous horror film Eerie [2018]. I am very grateful that people came out to theaters to support. Really happy to see that the audience for local genre cinema is growing."
PHOTO/S: @red_mikhail on Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results