Boy Abunda, tinanggihan ang offer maging show commentator sa Miss Universe 2022

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2023
boy abunda kapuso stars
Ayon sa isang source ng Cabinet Files, napanood at nagustuhan ng mga executive ng Miss Universe Organization ang hosting job ni Boy Abundsa sa isang event sa New York City kaya nakipag-ugnayan sila sa Filipino television host noong November 2022 para imbitahan itong maging show commentator ng 71st Miss Universe.
PHOTO/S: Jerry Olea

Tila may kinalaman ang mga paghahanda ni Boy Abunda sa bagong showbiz-oriented program sa GMA-7 at sa mga nauna nang commitment na kanyang tinanggap kaya magalang niyang tinanggihan ang alok ng Miss Universe Organization (MUO) na maging show commentator ng Miss Universe 2022.

Gaganapin ang grand coronation ng 71st edition ng Miss Universe sa Ernest N. Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA, sa January 14, 2023 (January 15, 2023 sa Pilipinas).

Ayon sa isang source ng Cabinet Files, napanood at nagustuhan ng mga executive ng MUO ang hosting job ni Boy sa isang event sa New York City kaya nakipag-ugnayan sila sa multi-awarded Filipino host noong November 2022 para imbitahan itong maging show commentator ng 71st Miss Universe.

At the time, hindi pa inaanunsiyo ng MUO na hindi na si Steve Harvey ang host ng coronation night ng Miss Universe 2022 dahil kinumpirma lamang nila ang balita noong December 7, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pamilyar ang Miss Universe Organization sa body of work ni Boy dahil sa mga mahuhusay na panayam nito sa iba’t ibang mga personalidad sa kanyang mga TV show, at sa Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).

Sina Pia at Catriona ang ilan sa mga sinanay at hinasa ni Boy sa public speaking, wastong pagsagot sa question-and-answer segment bago sila sumali at nanalong Miss Universe.

Kung tinanggap ni Boy ang alok ng Miss Universe Organization, siya sana ang nag-iisang lalake sa all-female hosts na kinabibilangan nina Miss Universe 2012 Olivia Culpo, Emmy award-winning television host Jeannie Mai-Jenkins, at ng mga backstage emcee na sina Catriona at Access Hollywood correspondent Zuri Hall.

Read: Miss Universe 2012 Olivia Culpo returns as co-host of Miss Universe 2022

Nakapanghihinayang na hindi matutuloy ang partisipasyon ni Boy sa 71st Miss Universe dahil pagkakataon ito na muling mapansin sa international stage ang mga Filipino world-class talent na kagaya niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At press time, sinusubukan ng Cabinet Files na kunin ang pahayag ni Boy tungkol sa desisyon nitong huwag tanggapin ang alok na magsilbi siya bilang show commentator ng Miss Universe 2022.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang source ng Cabinet Files, napanood at nagustuhan ng mga executive ng Miss Universe Organization ang hosting job ni Boy Abundsa sa isang event sa New York City kaya nakipag-ugnayan sila sa Filipino television host noong November 2022 para imbitahan itong maging show commentator ng 71st Miss Universe.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results