MUO owner Anne Jakrajutatip, di nakaligtas sa mga pamba-bash ng netizens

by Jojo Gabinete
Jan 15, 2023
anne jakrajutatip miss universe 2022
Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip: “When I was born as a trans woman who got bullied and sexually harassed by my own teacher when I was young, plus I was not accepted by society because they did not want to embrace my differences. But guess what? I chose not to surrender! I turned pain into power! And I turned life lessons into wisdom!”
PHOTO/S: Twitter

Binigyan ng sariling moment o sandali sa final show ng 71st Miss Universe ang bagong may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip.

Read: Filipino-American R'Bonney Gabriel of USA wins Miss Universe 2022

Nagkaroon siya ng pagkakataong ilahad ang mga saloobin sa isang okasyon na tila ginawa niyang isang fan meet dahil sa kanyang mga pahayag at paulit-ulit na pagsasabi ng “I love you” sa mga tao sa audience gallery.

“Welcome to the Miss Universe Organization. From now on, it’s gonna be run by women, owned by trans woman for all women!" wagas at punumpuno ng conviction na sabi ni Anne.

Muli rin niyang binalikan ang kanyang malungkot na karanasan noong bata pa siya.

Aniya, “When I was born as a trans woman who got bullied and sexually harassed by my own teacher when I was young, plus I was not accepted by society because they did not want to embrace my differences.

"But guess what? I chose not to surrender! I turned pain into power! And I turned life lessons into wisdom!”

Read: The transwoman billionaire linked to Clint Bondad has a colorful life story

Nakalulungkot isipin na tila hindi natuldukan ng pagiging bilyonaryo at ng pagmamay-ari niya sa Miss Universe Organization ang bullying treatment kay Anne dahil sa mga nakakainsulto at nakasasakit ng damdamin na reaksiyon ng netizen sa kanyang speech sa 71st Miss Universe.

Mas tumindi at nadagdagan pa ngayon ang mga pang-aapi kay Anne dahil buhat sa iba’t ibang panig ng mundo, at hindi lamang sa Thailand, ang cyberbullying na natatanggap niya mula sa mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinararatangan siyang ginagamit ang Miss Universe Organization para sa sariling kapakanan na karapatan naman niya bilang siya na ang bagong may-ari at may kapangyarihan.

Isang araw bago ginanap ang preliminary swimsuit competition ng 71st Miss Universe noong January 11, nauna na si Anne mag-post sa social media accounts nito ng kanyang two-piece swimsuit photos.

Dahil dito, inakusahan siyang nakikipagkumpitensiya sa mga kandidata.

Nang dumating si Anne sa venue sa gabi ng preliminary competition ng 71st Miss Universe, pinuna rin ng kanyang mga kritiko na "enjoy na enjoy" siya sa pagkaway sa mga tao habang napapaligiran ng bodyguards niya.

Pero hindi apektado ang mga tapat na tagasuporta ni Anne ng mga lantarang paninira sa kanya.

Para sa kanila, ang transgender Thai woman billionaire ang tunay na panalo sa 71st edition ng Miss Universe dahil naipakilala niya ang sarili sa buong mundo, the universe rather, sa loob lamang ng halos tatlong buwan mula nang bilhin niya ang Miss Universe Organization.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip: “When I was born as a trans woman who got bullied and sexually harassed by my own teacher when I was young, plus I was not accepted by society because they did not want to embrace my differences. But guess what? I chose not to surrender! I turned pain into power! And I turned life lessons into wisdom!”
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results