Watch Now

Arnold Clavio, nasaktan sa ginawa ni Alex Gonzaga sa waiter; Rhap Salazar, tinawag na "bastos" si Alex

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2023
arnold clavio alex gonzaga issue
Arnold Clavio on Alex Gonzaga's viral video: "Kitang-kita sa nag-trending na video ni Gonzaga na tila napahiya, nasaktan at nainsulto si Mamang Waiter nang pahiran siya sa mukha ng aktres nang bitbit niyang birthday cake. Kilalang kikay bilang komedyante si Gonzaga kaya nagustuhan siya ng marami. Pero lagi niyang isipin na may limitasyon ang lahat at dapat maging maingat dahil ginagawa siyang huwaran ng kabataan."
PHOTO/S: Instagram

Isang marangal na trabaho ang pagiging waiter o food server kahit maliit ang suweldo.

Ito ang dahilan kaya hindi pa rin matanggap ng ilang netizens ang panig na inilabas ng kampo ni Alex Gonzaga kaugnay ng viral video kung saan pinahiran niya ng cake icing ang noo ng isang waiter, sa birthday salubong para kay Alex noong January 15, 2023.

Ayon sa kampo ng TV host/actress/vlogger, matagal nang kakilala at kabiruan ng pamilya Gonzaga at isa lamang katuwaan ang ginawa ni Alex.

Read: Alex Gonzaga camp breaks silence on viral video; says waiter is close to Gonzaga family

Unti-unti nang nakikilala ng mga tao ang waiter na Allan ang pangalan at isa sa mga tauhan ni Chef Florabel Co-Yatco ng Florabel, ang catering company na nagsilbi ng mga pagkain sa birthday party ni Alex.

Mismong ang kampo ni Alex ang naglabas ng impormasyon tungkol sa food server na umaani ng mga simpatiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dahilan para maglabas ng paliwanag ang kampo ni Alex tungkol sa bagong isyu na kinasasangkutan niya dahil mga kilalang personalidad at hindi lamang mga ordinaryong Pilipino ang lantaran at matapang na nagpapahayag ng saloobin tungkol sa kinukondenang insidente.

Read: Alex Gonzaga, binabatikos dahil sa pagpahid ng cake sa noo ng waiter

ARNOLD CLAVIO

Isa sa mga naglabas ng opinyon ay ang Kapuso broadcast journalist na si Arnold Clavio.

Nasaktan daw si Arnold sa napanood na video dahil nagtrabaho siya noon bilang waiter kaya alam niya ang pakiramdam ng isang taong ginamit para maging katatawanan.

Pahayag ng GMA News anchor, “Mga ‘iGan, hindi ako natawa at hindi rin ako natuwa sa inasal ng aktres na si Alex Gonzaga sa isang waiter noong birthday party niya.

“Aaminin ko, nasaktan ako. Bilang dating waiter sa isang fastfood restaurant noong nasa kolehiyo, di ko maatim na hindi mag-react sa maling trato ni Gonzaga sa aking kabaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes mga ‘iGan, halos isang taong mahigit ako na nagsilbing waiter, busboy at cook sa Kentucky Fried Chicken Roxas Boulevard branch noong 1985-1987, kaya ganon na lang ang respeto ko sa kanila hanggang ngayon.

“Malaki ang naitulong sa akin bilang working student para nakapagtapos ako sa University of Sto. Tomas. Nahubog din ako paano makikitungo sa kapwa anuman ang antas niya sa buhay.

“Kaya lagi ko na ipinagmamalaki ang aking karanasan bilang waiter sa mga kabataang mag-aaral. Walang hadlang para makamit mo ang iyong pangarap.

“At maging sa mga anak ko, lagi kong pinapaalala sa kanila kapag kumakain kami sa labas na igalang at tratuhing mabuti ang isang waiter. Kapalit naman niyan ay mabuting serbisyo.

“Kitang-kita sa nag-trending na video ni Gonzaga na tila napahiya, nasaktan at nainsulto si Mamang Waiter nang pahiran siya sa mukha ng aktres nang bitbit niyang birthday cake.

“Kilalang kikay bilang komedyante si Gonzaga kaya nagustuhan siya ng marami. Pero lagi niyang isipin na may limitasyon ang lahat at dapat maging maingat dahil ginagawa siyang huwaran ng kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang biruang ganyan ay ginagawa ng magkakakilala o magkakaibigan pero hindi sa isang nilalang hindi mo naman kakilala.

“Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko kilala mo man ito o hindi.

“Kung mahihimasmasan na, may panahon pa si Gonzaga na hanapin at personal na humingi ng patawad kay Mamang Waiter. Pagkatapos ay humingi siya ng public apology sa maraming netizen na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaalingawngaw na “Bastos! Walang respeto!” naman ang reaksiyon ng singer na si Rhap Salazar sa naging trato ni Alex kay Allan.

rhap salazar post

NEGATIVE FEEDBACK

Dahil din sa kinasasangkutang isyu ngayon ni Alex, nagsilabasan ang tila patotoo ng ilang nagpakilalang nakatrabaho niya noon tungkol sa kanilang karanasan sa TV host/actress/vlogger.

Karamihan sa kanila ay hindi nangiming magkuwento ng masamang karanasan nang nakatrabaho nila sa Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang nakatrabaho ni Alex sa unang "first film as a lead" nito, "masama talaga ugali ng babaeng ito!"

Dagdag pa niya tungkol kay Alex: "Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her.

"She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula."

alex gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa naman daw "production designer" na nakatrabaho ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ang nagsabing totoo ang mga balita tungkol kay Alex.

Dagdag pa nito, "Bastos siya."

alex gonzaga post

Isang talent coordinator din ang nagkuwento ng karanasan nito kay Alex nang maging "talent" niya ito sa 2011 Ad Congress sa Naga City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi raw si Alex ng TV5 delegation kasama ang senior stars ng network, at magkakasama sila sa isang bus papunta sa venue.

Habang ang mga ibang artista na mas sikat at mas senior ay nasa bus na lahat, dumating daw si Alex nang late. Dagdag pa rito, basa pa raw ang buhok nito at hindi pa naka-makeup.

Kahit nakatingin sa kanya ang lahat, hindi man lamang daw nag-sorry si Alex.

"Very unprofessional!" sabi pa ng talent coordinator.

alex gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE AFTER-EFFECT

Nag-aalala naman ang mga tagahanga ni Toni Gonzaga, nakatatandang kapatid ni Alex, dahil baka makaapekto ang isyu sa 20th anniversary concert niya sa January 20.

Imbes na ang show ni Toni ang pinag-uusapan, higit na nangingibabaw ang mga batikos at negatibong reaksiyon sa diumano’y hindi makataong pakikitungo ni Alex sa waiter.

Sa gitna ng nagbabagang kontrobersyal na isyu, hindi naman nakatulong sa isyu ang video na inilabas ng tiyo ni Alex na si Jojo Cruz.

Mapapanood dito na kinakantahan ng birthday song ng mga waiter si Alex sa isang restaurant.

Matapos hipan ang hawak na slice ng cake, nagkunwari si Alex na pinapahiran nito ng cake ang mga waiter at natatawa ang kanyang mga kasama.

@piscesmeme Reply to @piscesmeme ? original sound - @pisces

Hindi ito ikinatuwa ng netizens na nakapanood dahil para sa kanila, “adding salt to injury” ang biro niya.

Kasama ni Alex sa naganap na dinner ang kanyang asawa, mga magulang, at ang tiyo niyang nag-upload ng video na pinagpapasa-pasahan sa iba’t ibang social media platforms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio on Alex Gonzaga's viral video: "Kitang-kita sa nag-trending na video ni Gonzaga na tila napahiya, nasaktan at nainsulto si Mamang Waiter nang pahiran siya sa mukha ng aktres nang bitbit niyang birthday cake. Kilalang kikay bilang komedyante si Gonzaga kaya nagustuhan siya ng marami. Pero lagi niyang isipin na may limitasyon ang lahat at dapat maging maingat dahil ginagawa siyang huwaran ng kabataan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results