Watch Now

Handwritten letter ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga, ipinagtaka ng netizens

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2023
alex gonzaga allan crisostomo letter
Ipinagtataka ng ilang netizens kung bakit ang waiter pa na si Allan Crisostomo (kaliwa) ang gumawa ng letter para ipaalam na nag-apologize na sa kanya ang TV host-actress na si Alex Gonzaga (right) nang puntahan siya nito sa restaurant na pinagtatrabahuan niya.
PHOTO/S: Twitter / Allan Crisostomo's employer

Imbes na matapos ang usapin dahil sa inilabas na handwritten at signed statement ni Allan Crisostomo, tila lalong lumaki ang isyu dahil kinukuwestiyon ng ilang netizens kung bakit ang waiter ang gumawa ng sulat para ipaalam sa lahat na humingi na ng paumanhin si Alex Gonzaga.

Read: Alex Gonzaga personally apologizes to waiter after severe bashing online

Si Crisostomo ang waiter na pinahiran ni Alex ng icing sa mukha sa 35th birthday salubong para sa TV host/actress/vlogger sa Makati City noong January 15, 2023.

Kumalat ang video ng ginawa ni Alex kay Crisostomo kaya kinuyog siya ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa naging trato niya sa waiter.

Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter

Hindi matanggap ng mga nakikisimpatiya kay Crisostomo na ito ang hiniya at naagrabyado, pero siya pa ang naglabas ng written explanation na nagkaayos na sila ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alex crisostomo letter

Sabi ng isa, "Yung ikaw na pinahiran, pero ikaw pa pinasulat."

Biro naman ng isa pang netizen, "Sa mga friends ko kapag na offend nyo ako gawan nyo rin ako ng letter para may katibayan na nag sorry kayo"

Ayon naman sa isa, "Si Kuya pa talaga ang may open letter at hindi yun naka perwisyo na pilit na pinagmumukha ang sariling sinsero sa paghingi ng paumanhin..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong naman ng isa, "Ano ito blotter sa baranggay? Kailangan magsulat na wala ng kaso. Tapos na? Case closed? Para wala ng chance na maghabla ang kalaban kasi nakapirma na settled na??? Hahahaha.... grabe na talaga si ate mo gurl!!!

Personal na pumunta si Alex sa pinaglilingkurang kompanya ni Crisostomo para personal na ipaabot ang paghingi ng paumanhin.

Tila nakalimutan ng mga nagagalit na netizens na may sariling YouTube channel si Alex kaya puwedeng-puwede itong gumawa ng vlog tungkol sa kontrobersiyal na insidente at, sa huli, siya pa rin ang makikinabang.

TESTIMONIES ABOUT ALEX

Pero may domino effect ang isyung kinasasangkutan ni Alex dahil unti-unti nang lumalantad sa social media at nagkukuwento tungkol sa mga hindi magagandang karanasan sa kanya ang mga taong nakatrabaho niya noon.

Detalyadong ibinahagi ng isang production designer sa testimonya nito ang tungkol sa diumano’y naging trato sa kanya ni Alex sa pictorial na kasama ang kapatid nitong si Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Rumors about Alex Gonzaga is real,” deklara ng production designer.

alex gonzaga

alex gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alex gonzaga

alex gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

aldx gonzaga

Hindi naman pinangalanan ng isang direktor ang artistang tinutukoy niya.

Pero kung pagbabasehan ang kanyang mga sagot sa mga nagtatanong, si Alex ang tinutukoy ng tweet niyang ito: “Long ago, I already decided that if there was one actor I swore I’d never want to work again because of an awful experience working with, it’s this actor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alex gonzaga

Ayon naman sa isang nakatrabaho ni Alex sa unang "first film as a lead" nito, "masama talaga ugali ng babaeng ito!"

Dagdag pa niya tungkol kay Alex: "Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her.

"She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alex gonzaga

Isang talent coordinator din ang nagkuwento ng karanasan nito kay Alex nang maging "talent" niya ito sa 2011 Ad Congress sa Naga City.

Bahagi raw si Alex ng TV5 delegation kasama ang senior stars ng network, at magkakasama sila sa isang bus papunta sa venue.

Habang ang mga ibang artista na mas sikat at mas senior ay nasa bus na lahat, dumating daw si Alex nang late. Dagdag pa rito, basa pa raw ang buhok nito at hindi pa naka-makeup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit nakatingin sa kanya ang lahat, hindi man lamang daw nag-sorry si Alex.

"Very unprofessional!" sabi pa ng talent coordinator.

alex gonzaga

Meanwhile, hindi lamang naging biktima si Crisostomo ng hindi wastong biro ni Alex dahil biktima rin siya ng isang netizen na nag-abala na gumawa ng fake Facebook page ng man-of-the-hour waiter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit ng fake Facebook page purveyor ang litrato mula sa legitimate Facebook page ni Crisostomo at nilagyan niya ng caption na “Mababa ang tingin sa amin dahil sa aming trabaho pero ang pinakamasakit ay yung tratuhin kami na parang hindi tao.”

allan crisostomo fake

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagtataka ng ilang netizens kung bakit ang waiter pa na si Allan Crisostomo (kaliwa) ang gumawa ng letter para ipaalam na nag-apologize na sa kanya ang TV host-actress na si Alex Gonzaga (right) nang puntahan siya nito sa restaurant na pinagtatrabahuan niya.
PHOTO/S: Twitter / Allan Crisostomo's employer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results