Baron Geisler, titigil na sa paghuhubad sa pelikula; tumigil na rin kaya sa pag-inom ng alak?

by Jojo Gabinete
Jan 19, 2023
baron geisler lemonyo
Bron Geisler: “Medyo matagal-tagal na [hindi tumitikim ng alak], but our goal now here is not kailan tumikim ng alak. Kasi if you just based it on what I am doing right now, it’s much better na you guys could see naman the changes. And also I do believe na-CI [character investigation] muna ako ng mga bossing natin bago ako kinuha [na brand ambassador]."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Hihinto na ang controversial actor na si Baron Geisler sa pagpapaseksi sa mga pelikula.

Si Baron ang kinuhang ambassador ng Lemonyo, isang brand ng lemon drink, at nakasaad sa kontratang pinirmahan niya na hindi na siya maaaring gumawa ng daring scenes sa kanyang mga proyekto.

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

“Nasa kontrata po na bawal na ako maghubad so I will honor my contract.

"But I have a movie with Cristine Reyes. I might be shooting in February, and then, ang direktor po namin si Marla Ancheta of Doll House.

“Kaming dalawa po ni Miss Cristine ang lead, may love scene… hindi po ito [for] Vivamax, for Viva Prime po ito.

“May love scene pero medyo may pagka-wholesome pa rin and walang skin exposure," pahayag ni Baron.

Read: Why Doll House is Baron Geisler's "renaissance"

Ginulat ni Baron ang marami dahil pumayag siyang gawin ang frontal nudity scene sa Vivamax movie na Lampas Langit, na nagsimulang mag-streaming noong August 2022.

Read: Baron Geisler di gumamit ng plaster o prosthetics sa frontal nudity scene sa “Lampas Langit”

Hindi lamang ang desisyon ni Baron na pagtigil sa paghuhubad sa pelikula ang napag-usapan sa contract signing niya para sa lemon drink na ini-endorse niya nitong Miyerkules ng gabi, January 18, 2023.

Tinanong din ang aktor kung umiinom pa siya ng alak.

Hindi kaila sa publiko ang mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Baron dahil sa kanyang pagkalulong noon sa alak.

Read: Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ng aktor, “Ako kasi nababaliw ako kapag umiinom ng alak so let’s stay away from that.

“Basta ang sa akin lang, be responsible about your drinking and be a kind person. That’s what I’m striving for on a daily basis — to be kinder, to be more understanding, to be faithful, to be generous, to be smarter than what I was yesterday.

“Medyo matagal-tagal na [hindi tumitikim ng alak], but our goal now here is not kailan tumikim ng alak.

"Kasi if you just based it on what I am doing right now, it’s much better na you guys could see naman the changes.

"And also I do believe na-CI [character investigation] muna ako ng mga bossing natin bago ako kinuha [na brand ambassador]."

Natuwa si Baron nang pinansin ng entertainment press ang kanyang bumatang hitsura at pumayat na pangangatawan.

Reaksiyon niya, “'Baron, bumata ka,' sabi ng press. It’s because of my mind. My mind is away from all the negativity.

"And even kapag may pumasok na problems or pagsubok sa buhay, if we have a big God, malalagpasan po natin lahat.”

Si Pastor Roland Garcia Jr. ang CEO ng produktong itinuturing ni Baron na "biggest endorsement," kaya nagpapasalamat nang husto ang aktor sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

baron geisler contract signing

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pastor Roland Garcia Jr. and Baron Geisler

Natatawang ikinuwento ni Baron na “ipinag-pray over” agad siya ni Pastor Roland sa kanilang unang pagkikita.

“I’m very grateful because this brand, I could relate to it because we all know my past was filled with change L to a D [Lemonyo to Demonyo].

“Huwag po nating husgahan and I’m grateful na it’s never too late. This is my first biggest break pagdating sa endorsement.

“This is a milestone in my career. This is a very serious commitment because I’m bringing a brand wherein we’re giving a hope to many people.

“I was ecstatic that I was given this big responsibility kasi I have a soccer team in Cebu, Team Junquera, nahusgahan din kasi these are five barangays which is known to be a place of prostitution, it is a drug-infested homes.

"And now, we have close to hundred kids that we are helping out para mawala po yung vices nila.

“Sabi ko, this is in line with what Lemonyo is doing. Sa extra money na nakukuha nila kapag may nangangailangan, namimigay po sila ng bigas.

“As I said, I’m helping kids, ang youngest five, six… hanggang seventeen, eighteen.

"So if you see my Instagram, makikita niyo na I really make it a point to get to know the kids.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bron Geisler: “Medyo matagal-tagal na [hindi tumitikim ng alak], but our goal now here is not kailan tumikim ng alak. Kasi if you just based it on what I am doing right now, it’s much better na you guys could see naman the changes. And also I do believe na-CI [character investigation] muna ako ng mga bossing natin bago ako kinuha [na brand ambassador]."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results