“Stop harassing Dawn Zulueta!”
Ito ang panawagan at apela ng mga tagasuporta ng 53-year-old actress dahil kasama siya sa entourage ni President Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ang World Economic Forum ay nagsimula noong January 16, 2023, at magwawakas bukas, January 20.
Dawn Zulueta with President Ferdinand Marcos Jr. and Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano
Nakunan din si Dawn na namimili sa isang shopping area sa Davos, at isyu ito sa mga kritiko na kinukuwestiyon ang pagsama ng aktres sa Switzerland.
Ang mister ni Dawn na si Anton Lagdameo Jr. ang Special Assistant to the President simula nang manungkulan si Marcos Jr. noong June 2022. Kilala ring kaalyado at malapit na kaibigan ni Lagdameo ang Pangulo.
Kasama si Lagdameo sa entourage ni Marcos Jr. kaya nasa Switzerland din si Dawn.
Dawn with husband Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr.
Inaakusahan ng mga kritiko na pera ng bayan ang ginamit ni Dawn sa pagpunta nito sa Switzerland.
May mga nagtatanong din sa ambag niya sa World Economic Forum at may mga nang-iintriga sa pamimili ng aktres sa isang high-end store.
Pero maagap sa pagtatanggol ang kanyang mga supporter.
Depensa ng isang netizen, “Dawn Zulueta uses her personal money to travel, not from the government."
Sabi naman ng isa, "What made you think Dawn Zulueta with her rich husband can’t afford to pay for her trip!?”
Ayon sa isa pang supporter, “If you think you are in a position of moral authority to judge other people based on what you believe and perceive them to be, then think again. Dawn Zulueta’s living peacefully. Might as well leave her alone.”
Dagdag pa ng isang netizen, “Kung ayaw n’yo kay Dawn Zulueta e di don’t."
Samantala, pinag-iisipan ng Makabayan bloc na manawagan para magkaroon ng imbestigasyon sa diumano’y "lavish business trip" sa World Economic Forum ng pangulo at ng mga kasama nito.
Sinabi ni Representative France Castro ng Alliance of Concerned Teachers na nagpaplano ang kanilang grupo na maghain ng resolusyon para maimbestigahan at matukoy kung sino ang nagbayad sa mga gastos sa biyahe ng 70-katao na bumiyahe sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum.