Otin Gonzaga-Soriano, "sinabotahe" ang concert ni Toni Gonzaga

by Jojo Gabinete
Jan 20, 2023
otin goznaga-soriano toni gonzaga
Gay impersonator Otin Gonzaga-Soriano (left) stages his own online concert "I Am Otin" on the same night of actress-singer Toni Gonzaga's "I Am Toni" concert at Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Twitter / ALLTV

"A new star is born!" ngayong Biyernes ng gabi, January 20, 2023.

Ito ay si Otin Gonzaga-Soriano, ang gay impersonator ni Toni Gonzaga.

Inaakusahan ng "sabotage" si Otin dahil tinapatan at sinabayan ng kanyang "I Am Otin" free online concert ang I Am Toni, ang birthday concert ng TV host-actress sa Smart Araneta Coliseum na ginaganap din ngayong gabi.

Gumawa ng ingay sa Twitter Philippines ang pangalan ni Otin — binaligtad na pangalan ni Toni — dahil marami ang nanonood at naaliw sa kanyang concert sa kabila ng sintunadong boses niya.

Malinaw na "pananabotahe" ang ginawa ni Otin dahil kung ano ang mga inawit ni Toni sa ginastusan at matagal na pinaghandaang concert nito, kinanta rin niya sa kanyang walang kahirap-hirap na free online concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang "second-rate-trying-hard-copycat" ni Toni si Otin dahil may segment sa kanyang online show na nagpapakita sa impersonator ni Alex Gonzaga na pinapahiran ng icing cake ang pobreng waiter na spoof ng insidente na kinondena ng publiko.

Naniniwala ang detractors at bashers ni Toni na mas marami ang nanood sa free online concert ni Otin, na mahigit sa 25,000 ang viewers, kung ikukumpara sa mga nagpunta sa I Am Toni na ginanap sa Big Dome na may 16,500 hanggang 18,000 ang seating capacity.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At press time, number one trending sa Twitter Philippines ang #IAmOtin na may 14.1 tweets at pumapangalawa naman ang #PaalamToniGonzaga na may 7,052 tweets.

otin twitter trends

Kasabay na nag-trend sa Twitter ang "Araneta" at "Sassa" na may kaugnay sa "tapatan" nina Otin at Toni.

Nahaluan ng pulitika ang birthday concert ni Toni dahil ang mga kritiko ni President Ferdinand Marcos Jr., na sinuportahan niya ang kandidatura sa eleksyon noong May 2022, ang pinagbibintangang pasimuno ng “#PaalamToniGonzaga” at ng balitang namigay ng libreng tickets kaya napuno ang Araneta Coliseum.

Pinabulaan ito ni Andrew E. na nag-post sa social media ng videos na ebidensiya umanong marami ang nanood ng I Am Toni. Ang rapper ang isa sa mga guest sa concert ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Guest din sa concert ni Toni ang kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gay impersonator Otin Gonzaga-Soriano (left) stages his own online concert "I Am Otin" on the same night of actress-singer Toni Gonzaga's "I Am Toni" concert at Araneta Coliseum.
PHOTO/S: Twitter / ALLTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results