Watch Now

Entertainment personality na nagtatago sa Middle East, tinutugis ng batas dahil sa kasong estafa

by Cabinet Files
Jan 21, 2023
blind item
Nakakaloka ang scam tactics ni entertainment personality!
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Nag-uumpisa na magtayo ng negosyo sa isang Middle East country ang entertainment personality na umalis sa Pilipinas noong 2021 dahil tinutugis siya ng batas at ng mga tao na niloko at pinagkakautangan niya ng malaking halaga ng pera.

Hindi makabalik ng bansa ang entertainment personality na may arrest warrant dahil sa mga patung-patong na kaso na isinampa laban sa kanya.

Isang kababayan natin ang nagpatotoo na kasalukuyan na naninirahan sa Middle East ang entertainment personality na nakita niya nang personal dahil hinihimok ang kanyang kaibigan na makipagsosyo sa negosyo.

Nagsagawa ng background at character investigation ang ating kababayan dahil malaking halaga ng salapi ang hinihingi ng entertainment personality mula sa kaibigan niya.

Natuklasan ng concerned person na kaliwa’t kanan ang mga kaso ng estafa sa Pilipinas ng entertainment personality dahil nakausap niya ang mga nagsampa ng mga demanda.

Dahil sa mga nadiskubre na kalokohan ng entertainment personality na natakasan din ang mga ahente ng NBI na hinahanap siya, binibigyan ng babala ang mga kababayan natin sa Middle East na huwag na huwag na makikipag-transaksyon sa kanya at lalong huwag ipagkakatiwala ang pera na kanilang pinaghirapan na ipunin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na umaasa ang mga inagrabyado na tao ng entertainment personality na darating ang panahon na mahuhuli siya para mapanagutan niya ang mga kasalanan na kanyang ginawa.

Naniniwala sila na sooner or later, madadakip ang entertainment personality pero sa ngayon, nagdarasal muna sila sa Panginoong Diyos na mabigyan ng hustisya ang panlilinlang na ginawa sa kanila dahil pera na inipon para sa kinabukasan ng mga anak nila ang nawala.

MORE BLIND ITEMS

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakaloka ang scam tactics ni entertainment personality!
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results