Watch Now

Toni at Alex Gonzaga, iwas-iwas muna sa mga tao na "Allan" ang pangalan

by Jojo Gabinete
Jan 21, 2023
Toni Gonzaga and Alex Gonzaga
Parehong laman ng usap-usapan sa social media ang magkapatid na Toni (leftmost) at Alex Gonzaga (rightmost) dahil sa hiwalay na trending issues. Nauna si Alex at ang insidente sangkot ang waiter na si Allan Crisostomo (in black top) na pinahiran ni Alex ng cake icing, at sumunod si Toni na ini-spoof ni AC Soriano (in red dress).
PHOTO/S: Bruce Casanova via @TheBigDome Twitter / @itsacslife / Facebook / @danibarretto Instagram

Kung naniniwala sa pamahiin ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex, baka maisip nila na dumistansya muna sila sa mga tao na "Allan" ang pangalan dahil dalawang Allan ang nagbigay ng pasakit sa kanilang mga kalooban nitong mga nagdaan na araw.

Parehong "AC" din ang initials ng mga ito.

Allan Crisostomo ang pangalan ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga ng icing cake sa mukha sa kanyang birthday salubong noong January 15. Naging dahilan ito para batikusin at pagsalitaan siya ng masasakit ng mga tao na hindi matanggap ang wala sa lugar na pagbibiro niya.

Allan Crisostomo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuldukan lamang ang isyu nang humingi ng paumanhin si Alex at nang maglabas si Allan ng handwritten at signed statement na nagpapatunay na "okay" na sila ng Tropang LOL host.

Allan "AC" Soriano naman ang tunay na pangalan ni Otin Gonzaga-Soriano, ang gay impersonator ni Toni na trending sa Philippine Twitter hanggang ngayong Sabado ng gabi, January 21, 2023.

AC Soriano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naagaw ng free online concert ni AC na I Am Otin, The 20th Anniversary Dogshow ang spotlight mula sa I Am Toni, ang 20th anniversary at birthday concert ni Toni Gonzaga ginanap noong Biyernes, January 20, sa Smart Araneta Coliseum.

Pinag-uusapan si AC dahil sa impersonation niya kay Toni at sa kanyang hilarious online concert na nagbigay ng aliw sa mga nanood nito.

Nagulat pa si AC sa tagumpay ng I Am Otin dahil hindi niya inaasahan na kikita ng pera ang kanyang dog show na milyon-milyon ang likes sa TikTok.

Sinabi ng wacky gay impersonator ni Toni na dodoblehin nito ang matatanggap na gift revenue mula sa TikTok na nagkakahalaga ng US$207.60 at ibibigay niya bilang donasyon sa Home for the Golden Gays.

AC Soriano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Incidentally, Soriano ang tunay na apelyido ni AC kaya bilang Otin, may karapatan siya na gamitin ang Soriano sa panggagaya niya kay Toni, na isa nang legal na Soriano buhat nang pakasalan siya ng direktor na si Paul Soriano.

Samantala, napakinabangan ni Alex sa spiels nito ang mga matitinding batikos sa kanya na tumagal ng tatlong araw.

Si Alex ay sumalang sa concert ni Toni sa Araneta.

"Talaga! Pinag-usapan yan for almost three days,: ang sabi ni Alex kay Toni.

Sagot ni Toni, "Kaya pala trending ka for three days."

Sabi pa ni Alex, "Nagbago na ako, hindi na ako ganoon..."

"Nakita mo, birthday ko, inilayo namin lahat ng cake sa yo," hirit ni Toni.

Sagot ulit ni Alex, "Yan ho ang pinagkaiiwasan ko ngayon—mga cake!"

MORE HOT STORIES ON PEP.PH

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong laman ng usap-usapan sa social media ang magkapatid na Toni (leftmost) at Alex Gonzaga (rightmost) dahil sa hiwalay na trending issues. Nauna si Alex at ang insidente sangkot ang waiter na si Allan Crisostomo (in black top) na pinahiran ni Alex ng cake icing, at sumunod si Toni na ini-spoof ni AC Soriano (in red dress).
PHOTO/S: Bruce Casanova via @TheBigDome Twitter / @itsacslife / Facebook / @danibarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results