Watch Now

Sarah Geronimo, ratsada sa pagbabalik-trabaho; viral ang "Dati-Dati" sexy dance moves

by Jojo Gabinete
Jan 22, 2023
Sarah Geronimo "Dati-Dati" viral on TikTok
Dance challenge ni Sarah Geronimo, milyun-milyon ang hashtag views sa TikTok.
PHOTO/S: Viva / TikTok

Ang Unforgettable na ipinalabas sa mga sinehan noong October 23, 2019 ang huling pelikula na ginawa ni Sarah Geronimo.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon siya ng live concert sa Smart Araneta Coliseum noong 2018, at bihirang-bihira ang paglabas niya sa telebisyon.

Pero hindi nabawasan ang suporta ng kanyang mga tagahanga na tinatangkilik nang husto ang "Dati-Dati," isa sa mga bagong single ng Ultimate Pop Superstar ng Pilipinas.

Tulad ng kanyang phenomenal hit song na "Tala" na global dance craze noong 2019, gumagawa na rin ng ingay ang "Dati-Dati" na viral na ngayon sa TikTok.

Sa kasalukuyan, meron nang "77 million hashtag views" sa TikTok ang popular na "Dati-Dati" dance challenge.

Daan-daang libo na rin ang bilang ng mga video na may hashtag na #DatiDatiChallenge at gustung-gusto ng fans ni Sarah ang pagtuturo nito kay Anne Curtis ng "Dati-Dati" sa nakaraan na guesting niya sa It’s Showtime.

Habang trending sa social media ang "Dati-Dati," naging abala si Sarah sa paglalabas ng mga bagong kanta, ang "Coure" at "Salamat, Sansinukob" kaya naniniwala at umaasa ang fans niya na magkakaroon siya ng full-length album ngayong 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati-Dati Sarah Geronimo

Nang i-release ng Viva Records ang "Dati-Dati" noong October 2022, umani agad ng milyun-milyon na streams at music video views ang single ni Sarah, isang pruweba na hinihintay ng mga tagasuporta niya ang kanyang pagiging aktibo sa music scene.

Higit sa lahat, napatunayan ng lahat na hindi nakaapekto sa popularidad ni Sarah ang pagpapakasal nila ni Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang buwan matapos mapagkasal ang dalawa, naging malaking problema ng buong mundo ang coronavirus pandemic at kabilang ang entertainment industry sa mga tumamlay.

Pero nabigyan si Sarah ng pagkakataon na magampanan na mabuti ang bagong kabanata ng kanyang buhay bilang may-bahay ni Matteo bago siya sumabak muli sa trabaho ngayong taon.

READ: Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli love story: A timeline

MORE HOT STORIES ON PEP.PH

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dance challenge ni Sarah Geronimo, milyun-milyon ang hashtag views sa TikTok.
PHOTO/S: Viva / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results