Manila Luzon: "Drag in the Philippines is the best drag in the world."

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2023
drag den with manila luzon
Manila Luzon (center) with the Drag Cartel during the announcement of the season finale of Prime Video's reality competition Drag Den With Manila Luzon.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naririto sa bansa ang Filipino-American "Drag Lord" at RuPaul’s Drag Race alumna na si Manila Luzon para sa grand coronation night ng Drag Den with Manila Luzon.

Magaganap ang grand coronation ng Drag Den, Huwebes ng 7 p.m., January 26, 2023. Mapapanood ito sa streaming site na Prime Video Philippines.

Ang Drag Den with Manila Luzon ang hit Filipino drag pageantry reality competition show na magwawakas matapos ang pitong kabanata.

Si Manila ang isa sa mga hurado, nagsisilbing executive producer ng programa, at host ng grand coronation night.

Sina NAIA, Shewarma, at Maria Cristina ang top three contestants ng Drag Den with Manila Luzon at sila ang maglalaban para sa titulo ng Drag Supreme.

Humarap si Manila Luzon at ang Drag Cartel (tawag sa mga contestant ng Drag Den) sa mga miyembro ng entertainment press nitong Martes ng hapon, January 24, para sa announcement ng season finale ng reality competition na ipinagmamalaki nilang ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masigabong palakpakan ang tinanggap ni Manila Luzon dahil sa mga pahayag nito tungkol sa kanyang mga natutunan bilang mentor ng Drag Cartel.

Saad niya, “I have learned that drag in the Philippines is the best drag in the world.

“I had no idea how good are the drag was here. I know that the Philippines is jampacked with entertainers, dancers, singers, comedians, and I’m so happy that we’re now opening up a new category for Filipino entertainment and that is drag.

“The drag out here is beyond anything. I’ve traveled the world, I’ve performed with some of the famous drag queens, and none of them compare to the queens here — their dedication, their talent, their beauty, of course, the Philippines.

"And I’ve learned how much dedication and love that they have for what they do.

"I’m so proud to be able to showcase that."

Ang 22-year-old na si Shewarma ang isa sa mga finalist sa Drag Den with Manila Luzon. May kuwento siya tungkol sa malaking tulong sa kanya ng pagsali niya sa drag reality competition program ng Prime Video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad niya, “Dati, hindi talaga ako vocal. Isa si Drag Den sa nagturo sa akin para maging vocal at yun ang natutunan ko sa loob.

“Paglabas ko sa Drag Den, kailangan ko nang gamitin si Shewarma.

“Si Drag Den din ang nag-change sa akin para maging vocal at super thankful ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako out sa family ko before, tapos first time ko na sumali sa Drag Cartel and then umuwi ako sa bahay ng naka-drag.

“So, nagpakita ako kay Mama nang nakaganito [drag outfit], tapos sabi niya, ‘Ano ‘yan?’

“Sabi ko, ‘I’m gay!’

"Super powerful yung drag so for me parang kapag naka-drag ako, kaya kong sabihin ang lahat. Nakapag-out ako sa family ko na naka-drag ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Luzon (center) with the Drag Cartel during the announcement of the season finale of Prime Video's reality competition Drag Den With Manila Luzon.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results