Watch Now

Alden Richards-Winwyn Marquez rumored romance noong 2019, napatunayang totoo pala

Jan 25, 2023
alden richards winwyn marquez romance
Winwyn Marquez when asked in 2019 about being linked to Alden Richards: “Lahat naman yata nali-link kay Alden. Matagal na kaming magkaibigan ni Alden at alam naman ng lahat na mabait si Alden. Sweet sa lahat. Natawa lang talaga ako." Four years later, Alden admitted that Winwyn almost became his girlfriend.
PHOTO/S: Rose Garcia / GMA Network

Ang mga pangalan nina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose ang mga binanggit ni Alden Richards nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa mga artistang muntik na niyang maging girlfriend.

Sinabi ni Alden na "parang mabigat" ang nangyari sa kanila ni Julie Anne dahil ang Kapuso actor ang nang-iwan.

Napilitan si Alden na isiwalat sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, January 25, 2023, ang pag-amin sa kanyang pagkakamali at paghingi ng paumanhin sa singer-actress.

Read: Alden Richards finally reveals what happened between him and Julie Anne San Jose

Ang mga nangyari sa kanila noon ni Julie Anne ang naging sentro ng pakikipag-usap ni Alden kay Boy kaya hindi na natalakay ang naudlot na relasyon nila ni Winwyn.

Naniniwala si Alden sa kasabihang "Time heals all wounds" dahil magkaibigan na sila ngayon ni Julie Anne.

Naniniwala naman ang Cabinet Files na "Time is the ultimate truth teller" nang kanyang ipagtapat na muntik na rin niyang maging girlfriend si Winwyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

April 26, 2019 nang ilabas ng Cabinet Files at ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang report tungkol sa kapansin-pansing closeness nina Alden at Winwyn nang makunan sila ng litrato na magkasama sa blessing ng McDonald’s branch sa Biñan City na pag-aari ng aktor.

Read: Alden Richards at Winwyn Marquez, kapansin-pansin ang closeness

Pero hindi pa handa noon si Winwyn na pumasok sa bagong relasyon dahil kahihiwalay pa lamang nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras. Ito ay ayon sa isang saksi na nagparating sa Cabinet Files ng impormasyon tungkol sa special friendship nina Winwyn at Alden.

Read: Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras

Pinagtawanan lamang ni Winwyn ang report ng PEP.ph noong April 2019 na nagkakamabutihan sila ni Alden. Sabi pa niya, baka binigyan lamang ng ibang kulay ang madalas na pagtatabi nila nang magbukas ang negosyo ng aktor sa Biñan City.

Sa panayam ng PEP.ph kay Winwyn noong May 16, 2019, diretsahang sinabi ng former beauty queen na magkaibigan lang sila ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat naman yata nali-link kay Alden. Matagal na kaming magkaibigan ni Alden at alam naman ng lahat na mabait si Alden. Sweet sa lahat. Natawa lang talaga ako.

“My gosh, isa na rin ako sa na-link kay Alden. Nakakatawa! Parang, bakit? Nabigyan lang talaga nila ng malisya,” pagtanggi ni Winwyn tungkol sa isyu.

Read: Winwyn Marquez laughs off reports linking her to Alden Richards

Makalipas ang apat na taon, mismong nanggaling sa bibig ni Alden sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda na muntik na niyang maging girlfriend si Winwyn.

Case closed.

Indeed, time is the ultimate truth teller!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez when asked in 2019 about being linked to Alden Richards: “Lahat naman yata nali-link kay Alden. Matagal na kaming magkaibigan ni Alden at alam naman ng lahat na mabait si Alden. Sweet sa lahat. Natawa lang talaga ako." Four years later, Alden admitted that Winwyn almost became his girlfriend.
PHOTO/S: Rose Garcia / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results