Paolo Contis, kinukuyog ng Kathryn Bernardo fans sa social media

“Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA yung artista!”
by Jojo Gabinete
Jan 26, 2023
paolo contis on kathryn and alden
Paolo Contis is being bashed by Kathryn Bernardo fans for this statement he made during an interview with Alden Richards: “Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA yung artista!”
PHOTO/S: Facebook / Star Cinema

Pinag-uusapan ang Fast Talk with Boy Abunda mula nang mag-umpisa itong mapanood sa GMA-7 noong January 23 dahil sa mga kontrobersiyal na panayam ni Boy Abunda kina Marian Rivera, Alden Richards, at Bea Alonzo.

Kahit bitin ang pakiramdam ng manonood dahil dalawampung minuto lamang ang Fast Talk with Boy Abunda — thirteen minutes actually dahil umaabot ng pitong minuto ang mga commercial load — parang teleseryeng inaabangan at sinusubaybayan ang programa dahil sa mga itatanong ni Boy at sa mga isasagot ng kanyang mga bisita.

Bukas, January 27, 2023, si Paolo Contis ang kakausapin ni Boy sa isang tell-all interview.

Kaabang-abang ang kanilang paghaharap dahil inaasahang magsasalita na ang aktor sa tunay na estado ng napapabalitang relasyon nila ni Yen Santos, na inaakusahang third party sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-live-in partner na si LJ Reyes.

Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapanahon ang pagbisita ni Paolo sa Fast Talk bukas dahil pinuputakti siya sa social media ng mga tagasuporta ni Kathryn Bernardo ngayong gabi, January 26.

Hindi matanggap ng fans ng Kapamilya actress ang pahayag ni Paolo sa pakikipag-usap niya kay Alden Richards sa episode ng Just In, ang show ng Sparkle sa Facebook at YouTube.

Kaliwa’t kanan at personal ang mga batikos kay Paolo ng fans ni Kathryn dahil sa pahayag niyang ito: “Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA yung artista!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang 2019 movie ng ABS-CBN Productions na Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Kathryn at Alden ang proyektong tinutukoy ni Paolo.

Ang Hello, Love, Goodbye ang itinuturing na highest-grossing Philippine movie of all time sa kaslaukuyan.

Nasaktan ang fans ni Kathryn sa sinabi ni Paolo dahil naniniwala silang higit na malaki ang kontribusyon ng aktres kaya pinilahan sa takilya ang pelikulang kumita ng PHP889.2 million.

paolo contis comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

paolo contis comments

paolo contis comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

paolo contis comment

Maiksi lamang ang video clip na kumakalat na nagpakulo ng dugo ng mga tagapagtanggol ni Kathryn, kaya dapat nilang mapanood ang kabuuan ng pahayag ni Paolo para kanilang maunawaan nang lubos ang pinanggagalingan ng pahayag ng Kapuso actor.

Kadugtong ng naputol na video clip ay ang pagbibigay rin ng credit ni Paolo kay Kathryn, na siyang biggest female star sa bakuran ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa kabila ng mga pang-aalipusta kay Paolo, tila hindi siya maaapektuhan at magpapaapekto.

Sa pag-uusap nila ni Alden, sabi ni Paolo: “The more you bash, the more you earn!

“Totoo! Akala niyo naman, meron nagagawa sa amin [ang bashing]? Hindi, totoo! Akala niyo ba may nagagawa sa amin ang pang-aalipusta niyo?

“Bina-bash niyo kami, kakain kami.

"Merong isang nagsabi sa akin, e, ‘Paano ka nakakatulog sa gabi sa kahayupan mo?’

"Ay, maganda kasi ang kumot ko, unan ko. Malamang ikaw, sa papag ka natutulog. Ganoon lang kasimple yun,” katuwiran ni Paolo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis is being bashed by Kathryn Bernardo fans for this statement he made during an interview with Alden Richards: “Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA yung artista!”
PHOTO/S: Facebook / Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results