Young actor, binu-bully ang bagong boyfriend ng ex-girlfriend niyang aktres

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2023
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

May iba nang karelasyon ang young actor pero kung pagbabasehan ang mga inaasal nito, tila hindi pa niya matanggap na may iba nang minamahal ang kanyang ex-girlfriend na aktres.

Artista rin ang boyfriend sa kasalukuyan ng ex-girlfriend ng young actor at magkakasama sila sa isang programa.

Sa tuwing magkikita ang dalawang aktor sa dressing room ng kanilang TV show, panay ang parinig ng young actor sa boyfriend ng ex-girlfriend niya.

Dahil edukado, hindi pinapatulan ng actor-boyfriend ng aktres ang immature at "very childish" na mga patutsada sa kanya ng young actor na marami nang pinaluhang babae.

Ang aktres ang naaapektuhan sa ginagawa ng young actor sa kanyang boyfriend dahil nasasaksihan at naririnig niya ang pang-aapi o bullying na nangyayari.

May history ng pagiging two-timer ang young actor kaya hindi nagtatagal ang mga relasyon niya.

Dalawang aktres ang nagkaroon noon ng hidwaan dahil natuklasan nilang pinagsabay ng young actor ang pakikipagrelasyon sa kanila.

Pero ginamot ng panahon ang mga sugat sa puso nila dahil nang magkaroon ng pagkakataong mag-usap at magkapaliwanagan ang dalawang aktres, nadiskubre nilang kapwa silang pinaglaruan ng aktor.

Matalik nang magkaibigan ang dalawang aktres, bumibisita sila sa bahay ng isa’t isa para magkumustahan at magkuwentuhan.

Malaking palaisipan at labis na ikinagulat ng young actor ang pagkakasundo at pagsasanib-puwersa ng kanyang mga dating karelasyon na nag-away noon dahil sa pagtataksil na ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results