Mayor Bullet Jalosjos, tinawag na "fake news" ang mga ulat tungkol sa rebranding ng Eat Bulaga!

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2023
Eat Bulaga war
“Let’s just wait for the presscon,” pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos para maiwasan na ang pagkalat ng mga espekulasyon tungkol sa mga pagbabagong mangyayari sa longest-running noontime show na Eat Bulaga!.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

#EatBulagaWar

"Fake news" ang reaksiyon ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos sa mga ulat na lumalabas tungkol sa mga pagbabagong mangyayari sa Eat Bulaga! mula nang pumutok ang mga espekulasyong iiwanan na nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang longest-running noontime variety show ng bansa dahil hindi na si Antonio “Tony” Tuviera ang mamamahala sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc.

Read: Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?

“Let’s just wait for the presscon,” pahayag ni Mayor Jalosjos para maiwasan na ang pagkalat ng mga walang katotohanang balita.

Kahit nakikipag-ugnayan sa kanya ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), walang ibang impormasyong sinasabi si Mayor Bullet, na nanunungkulan din bilang board treasurer ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!.

Kabilang sa hindi kumpirmadong balita na lumitaw noong nakaraang linggo ay umatras na raw ang Pamilya Jalosjos dahil mananatili sa Eat Bulaga! bilang mga host sina Tito, Vic, at Joey.

Mga haka-haka lamang ang mga lumalabas na report dahil hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang panig ng mga Jalosjos at Tuviera tungkol sa pinagpipistahang isyu.

Nakatakda sa April 15, 2023 ang pinaplanong press conference ng pamunuan ng TAPE Inc., pero nangako si Mayor Jalosjos na ipaaalam niya sa Cabinet Files kung may mga magaganap na pagbabago.

Sinabi ni Jalosjos sa mensaheng ipinadala nito sa Cabinet Files noong March 6 na sasagutin nila sa idaraos na media conference ang lahat ng mga isyu, at kanilang ihahain ang bagong format ng Eat Bulaga! na napagkasunduan ng mga executive ng TAPE Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Bullet Jalosjos, sasagutin lahat ng isyung kinahaharap ng Eat Bulaga!

More Related Stories:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Let’s just wait for the presscon,” pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos para maiwasan na ang pagkalat ng mga espekulasyon tungkol sa mga pagbabagong mangyayari sa longest-running noontime show na Eat Bulaga!.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results