Ang planong pagsasampa ni Kylie Verzosa laban sa isang news organization ang itinanong sa kanya ni Boy Abunda sa guesting ng beauty queen-actress sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, March 15, 2023.
Nagpaliwanag at may nilinaw ang Miss International 2016 titleholder.
Paliwanag ni Kylie, “It’s not that nasaktan ako sa headlines. Siguro, it was the number of times it was reposted, one week sila dire-diretso na nagpo-post of the same article and it wasn’t even the article.
“I did my research, they posted it by this time mga 24 times already, and I don’t think that women shouldn't even go through that kasi they call you different names.
“Ginawa ko yon para tumigil na. Para tumigil na sila sa pagsusulat ng ganoon, not only to me but to other people as well.
“You know, in the States, when you write about the women like that, parang ipapasarado na…”
Ni-retweet pa ni Kylie noong March 4 ang headline ng news organization na kanyang tinutukoy: “Kylie Verzosa inokray ng netizens mukha raw tuyot, retokada.”
Noong December 2022, nabanggit na ni Kylie sa Cabinet Files ang mga paulit-ulit at malisyosong headline at artikulo tungkol sa kanya na inilalabas ng news organization.
Diumano, nakipag-ugnayan na noon sa management ng news organization ang legal counsel ni Kylie pero hindi pa rin siya tinantanan.
Bukod sa plano ni Kylie na pagsasampa ng reklamo, tinanong siya ni Boy tungkol sa nakaraan nila ni Marco Gumabao, ang kapareha niya sa Baby Boy Baby Girl, ang pelikulang ipalalabas sa mga sinehan simula sa March 22.
"Before Jake Cuenca, alam ko ito, e, nag-date kayo ni Marco Gumabao?" walang paliguy-ligoy na tanong ni Boy kay Kylie.
Hindi naman itinanggi ni Kylie ang isyu.
Read: Kylie Verzosa finally opens up about breakup with Jake Cuenca: "Akala ko siya na."
Saad niya, “ A long time before Jake… long way before Jake. Mga two years ago.
“We tried it out, mga bata pa kami noon. We’re very young but we remain very good friends, and happy ako sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay niya.
“I’ve seen him grow as an actor, as a person. He’s a very smart guy.”
Twenty-five years old na si Kylie nang magdesisyonng maging aktres, pagkatapos niyang isalin sa kanyang successor ang Miss International crown.
May mga nagsabi noong hindi magtatagumpay si Kylie dahil sa edad niya nang pumasok siya sa showbiz.
Ito ang dahilan kaya nagmarka sa kanyang isip ang sinabi ni Michelle Yeoh sa acceptance speech nito bilang Best Actress ng 95th Academy Awards: “Ladies, don’t let anybody tell you you’re past your prime.”
Ayon kay Kylie, “Naka-relate ako kasi parang may nabanggit siya. May hugot siya na ‘Don’t let anyone ever tell you na you’re past your prime.’
"Yun ang mga sinabi sa akin na, 'You started late [sa showbiz]. You won’t make it anymore.' So, dun ako naka-relate.”
Pagpapatuloy niya, “I started after beauty queen, after modelling, after pageantry.
“I think naka-relate ako sa hugot niya. Nalalagay sa ulo mo na parang, 'Totoo ba na I'm past my prime? Totoo na hindi ko na kaya dahil I started late?'"
Pero napatunayan nitong hindi pa huli ang lahat para sa kanya dahil sa edad na 30, nanalo siyang best actress sa Distinctive International Arab Festivals Awards sa Dubai noong 2022 para sa pagganap niya sa Philippine adaptation ng The Housemaid.
Read: Kylie Verzosa, waging best actress sa Dubai para sa "The Housemaid"