Janina San Miguel, nag-back out sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2023
janina san miguel sabrina m. mrs. face tourism
Janina San Miguel (kaliwa), kinumpirma ang pag-atras sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023; Sabrina M. (kanan), hindi umano apektado dahil hindi niya itinuturing na "big competitor" si Janina.
PHOTO/S: Mrs. Face Tourism Philippines Facebook

Kinumpirma ni Janina San Miguel-Sahota na umatras na siya sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023.

Kahit umaasa ang pageant organizers, hindi na siya babalik pa sa naturang contest o sa anumang pageantry.

Si Janina ang nagwagi ng Bb. Pilipinas-World title sa Binibining Pilipinas 2008. Naging kontrobersiyal siya dahil sa kanyang sagot sa question-and-answer portion.

Read: Remember when Janina San Miguel won the Binibining Pilipinas-World title?

Hindi natapos ni Janina ang kanyang mga tungkulin bilang Bb. Pilipinas-World 2008. Makalipas ang anim na buwan, nag-resign siya kaya ang first runner-up na si Danielle Castaño ang naging kinatawan ng ating bansa sa Miss World 2008 na ginanap sa South Africa.

Matagal na hindi nagpakita si Janina sa publiko hanggang lumahok siya sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023.

Umingay ang naturang beauty pageant dahil sa partisipasyon niyang panandalian lamang nang magpasya ang dating beauty queen na talikuran ang nabanggit na patimpalak.

Read: Sabrina M, Janina San Miguel to compete in Mrs. Face of Tourism Philippines 2023

Nang makipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Janina nitong Huwebes ng umaga, March 16, 2023, sinabi niyang magsasalita siya sa wastong panahon tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang desisyong huwag nang sumali sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023.

Ang mga ‘90s sexy actress na sina Sabrina M. at Alma Soriano ang dalawa sa mga opisyal na kandidata na makakalaban sana ni Janina sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023.

alma soriano mrs. face tourism

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alma Soriano

Nang makausap ng Cabinet Files si Sabrina M., nagpahayag din siya ng pagtataka sa biglaang pag-atras ni Janina.

“I don’t know the reason behind kung bakit siya nag-back out.

“Nakakalungkot kasi pareho kami ng handler at naging close kami dahil roommates kami kaya nagulat ako nang biglang nag-back out siya,” reaksiyon ni Sabrina.

Hindi naniniwala si Sabrina M. na magiging pabor sa kanya ang ginawa ni Janina dahil mababawasan ang mahigpit niyang kalaban para sa korona at titulo ng Mrs. Face of Tourism Philippines.

Pahayag niya, “I don’t see naman na malaking pabor sa akin ang pag-back out ni Janina. I don’t see her as my big competitor.

“Para sa akin, it’s a friendly competition. Kahit sino po ang manalo, okay lang pero siyempre, gagawin ko ang lahat for that crown.

“May konting kaba ako pero okay rin na may kaba ako dahil mahirap naman yung overconfident sa sarili.

“Double time ang preparations ko para maging fit ang katawan ko dahil gusto ko na ibang Sabrina M. ang makita sa Mrs. Face of Tourism.”

Pinaghahandaang mabuti ni Sabrina M. ang coronation night ng beauty pageant para sa mga ina na sinalihan niya sa May 30.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janina San Miguel (kaliwa), kinumpirma ang pag-atras sa Mrs. Face of Tourism Philippines 2023; Sabrina M. (kanan), hindi umano apektado dahil hindi niya itinuturing na "big competitor" si Janina.
PHOTO/S: Mrs. Face Tourism Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results