"Gandang hindi inakala."
Ito ang reaksiyon ng netizens na nagkamali ng akala na si Nathalie Hart at hindi si Elisse Joson ang babae sa mga larawang ibinahagi ni Elisse sa Instagram account nito.
May mga nagsususpetsang may ipinabago si Elisse sa mukha nito, pero mas marami ang naniniwalang doppleganger siya ni Nathalie dahil sa kanyang make up at bagong hairdo.
Hindi nagkakalayo ang mga edad nina Nathalie, 30, at Elisse, 27, kaya puwedeng-puwede silang gumanap na kambal o magkapatid dahil sa kanilang uncanny resemblance.
Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng netizens ang transformation ni Elisse, na lalong gumanda at nadagdagan ang self-confidence buhat nang magkabalikan sila ni McCoy de Leon matapos ang ilang buwang paghihiwalay.
"Online miscommunication" ang ibinigay na dahilan ni Elisse tungkol sa sandaling panahon na paghihiwalay nila ng ama ng kanyang anak na babae.
Noong February 5, 2023, kinumpirma ni McCoy sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ng TV5 na nagkabalikan sila ni Elisse.
Aniya, “Siguro naman, sa pagiging tatay na parang yun naman ang laging hinahangad—para mapasaya yung pamilya.”
Read: McCoy de Leon confirms reconciliation with Elisse Joson
Samantala, hindi na nakipagbalikan ang look-alike ni Elisse na si Nathalie sa ama ng nag-iisang anak na babae nito, ang Indian businessman na si Mayank Sharma dahil isang Australian national ang kasalukuyan na karelasyon ng sexy actress.
Engaged na si Nathalie sa kanyang Australian boyfriend pero hindi siya nagbigay ng mga detalye dahil sa kagustuhan niyang manatiling pribado ang kanilang pagmamahalan.
Read: Nathalie Hart, wala pang balak magpakasal kahit engaged na