Adult content creator Salome Salvi, binansagang "Maria Ozawa ng Pilipinas"

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2023
salome salvi roman perez jr.
Director Roman Perez Jr. on adult content creator Salome Salvi: “Iba si Salome. Iba ang indayog niya. Iba ang pro sa sex games dahil mas alam niya ang lahat kesa sa akin. Ako pa nga ang nakikinig sa [mga suggestion] kanya, lalo na sa mga sex scene. Marami akong natutuhan sa kanya.”
PHOTO/S: Viva Films

"Maria Ozawa ng Pilipinas" ang pagsasalarawan ng cult director na si Roman Perez Jr. kay Salome Salvi, ang adult content creator na ni-repackage niya bilang sexpert at sex adviser sa Ssshhh, ang Vivamax original series na mapapanood simula sa March 26, 2023.

Si Maria Ozawa ang sikat na pornographic actress sa Japan.

Tulad niya, palaban sa paghuhubad at pakikipagtalik si Salome sa iba’t ibang mga lalake kaya Top 62 ang ranggo ng former UP Fine Arts student sa listahan ng global adult content creator.

Unang napanood si Salome sa sexy movie na Kitty K7 na inspirasyon ng kanyang buhay ang kuwento.

Pero si Roman ang nakatuklas sa potensiyal niya para maging sex adviser.

“Ako ang nag-repackage sa kanya dahil nakita ko ang potensiyal niyang maging sex guru na wala nang ganito sa panahon ngayon.

“Nakita kong matalino ang mga opinyon ni Salome at ibang klase ang mga input niya sa mga sensual scene.

“Iba si Salome. Iba ang indayog niya. Iba ang pro sa sex games dahil mas alam niya ang lahat kesa sa akin.

"Ako pa nga ang nakikinig sa [mga suggestion] kanya, lalo na sa mga sex scene. Marami akong natutuhan sa kanya,” papuri ni Roman tungkol kay Salome.

Hindi lamang sex adviser ang role ni Salome sa Ssshhh dahil may mga intimate scene din siya sa co-actors niya gaya ng baguhang aktor na si VR Relosa.

Natatawang kuwento ni Roman, “Mas maiinit pa ang mga eksena ni Salome kesa sa kanyang mga pinapayuhan.

“Wala siyang keber sa paghuhubad, kahit sinong lalake pa ang nasa harap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung ibang male actors, natakot kay Salome kaya nag-plaster sila. Saka nandoon ang partners nila.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Roman Perez Jr. on adult content creator Salome Salvi: “Iba si Salome. Iba ang indayog niya. Iba ang pro sa sex games dahil mas alam niya ang lahat kesa sa akin. Ako pa nga ang nakikinig sa [mga suggestion] kanya, lalo na sa mga sex scene. Marami akong natutuhan sa kanya.”
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results