'90s actor Toffee Calma, inalala ang pagtulong sa mga biktima ng Ozone Disco fire

by Jojo Gabinete
6 days ago
tofee calma then and now
Toffee Calma then (left) and now (right). The '90s sexy actor was passing through Timog Avenue in Quezon City when he saw two teenagers coming out from the burning Ozone Disco on March 18, 1996.. The former actor rushed the two in the nearest hospital.
PHOTO/S: @toffeecalma on Instagram

Ang '90s sexy actor na si Toffee Calma ang isa sa mga unsung hero ng Ozone Disco fire na nangyari noong March 18, 1996 dahil kabilang siya sa mga tumulong sa mga nasunog na biktima.

Read: Ozone disco fire survivor Jhunie Mallari painfully recalls tragedy that killed 162 people

Papunta si Toffee sa ABS-CBN para sunduin ang aktres na dating karelasyon niyang may taping noon.

Nang dumaan siya sa Timog Avenue, Quezon City, nakita niya ang mga taong nasusunog na lumalabas mula sa Ozone Disco.

Bumaba si Toffee mula sa sasakyang minamaneho niya para tulungan ang mga sugatang biktima.

Ito ang kanyang kuwento sa Cabinet Files tungkol sa trahedyang nangyari, dalawampu’t pitong (27) taon na ang nakalilipas:

“Papunta ako noon sa ABS-CBN, around 11 [p.m.]. Pagdaan ko sa Ozone, nakita ko ang daming mga tao, nagsisigawan sila.

“May nakita akong dalawang batang babae. Sunog-sunog ang katawan nila at walang tumutulong sa kanila.

“So, ang ginawa ko, isinakay ko sila sa kotse ko. Nalaman ko na magkapatid sila. Talagang dumadaing sila dahil lapnos-lapnos ang mga balat nila.

“Dinala ko sila sa hospital. Ako ang nag-register sa kanila sa hospital.

"Nang makita kong inaasikaso na sila ng mga doktor, umuwi na ako pero dumaan muna uli ako sa Ozone.

“Pagbalik ko, marami na ang mga ambulansya, fire trucks, dahil nang unang daan ko sa Timog, nag-uumpisa pa lang ang sunog sa Ozone.

"Yung magkapatid na dinala ko sa ospital, sila yung mga una sa mga nakalabas mula sa loob ng Ozone.”

Nagturo raw sa kanya ng importanteng aral ang nangyaring trahedya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Toffee: “Na-realize ko, life is really short. At the same time, kailangan tumutulong tayo sa mga taong nangangailangan.

“Yun naman ang palaging importante sa akin, ang tumulong sa lahat ng oras sa mga nangangailangan pero hindi ka dapat humihingi ng anumang kapalit.”

Dahil sa pagtulong na kanyang ginawa sa dalawang teenager na babae, hindi na nasundo ni Toffee sa ABS-CBN ang aktres na ex-girlfriend niya, at naunawaan naman nito ang sitwasyon.

Mahigit sa tatlumpo ang bilang ng mga pelikulang ginawa ni Toffee noong aktibo pa siya sa showbiz.

Nang talikuran niya ang entertainment industry, ang pagiging international real estate agent ang kanyang pinagbuhusan ng panahon.

Sa ngayon, tatlo ang trabaho ni Toffee: interior designer, international director ng Robinson’s Land Corporation, at may sarili siyang property managing company.

Kahit panandalian lamang naging aktor si Toffee, tumatanaw siya ng malaking utang na loob mula sa showbiz dahil nakatulong ito para makabenta siya ng maraming mga ari-arian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagamit ko ang pagiging artista ko. Marami akong nabentang properties, especially sa abroad, dahil naging artista ako.

“Kahit papaano, nakikilala nila ako at madali sa kanila na mag-trust sa akin. Lagi akong nagta-top sa company namin,” ani Toffee.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toffee Calma then (left) and now (right). The '90s sexy actor was passing through Timog Avenue in Quezon City when he saw two teenagers coming out from the burning Ozone Disco on March 18, 1996.. The former actor rushed the two in the nearest hospital.
PHOTO/S: @toffeecalma on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results