Tirso Cruz III, "flattered" na may pagtingin pa sa kanya si Nora Aunor

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2023
tirso cruz III nora aunor past romance
Tirso Cruz III, umiwas magbigay ng pahayag tungkol sa rebelasyon ni Nora Aunor na may nararamdaman pa rin ito para sa dating kasintahan at ka-love team.
PHOTO/S: Gorgy Rula / TV5

“That is a story for another presscon!”

Ito ang natatawang sagot ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Tirso Cruz III nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa deklarasyon ni Nora Aunor na siya ang greatest love nito.

Isiniwalat ito ng National Artist for Film and Broadcast Arts sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong February 20, 2023.

Read: Nora Aunor, inaming may nararamdaman pa ring pagmamahal kay Tirso Cruz III

Nang pilitin si Tirso na magsalita ng mga miyembro ng entertainment press na nag-iinterbyu sa kanya para sa mga bagong programa ng FDCP, natatawa pa rin niyang sinabi: “Show business will always be show business.”

Komento naman ng kanyang katabi na si Direk Joey Reyes: “Sabihin na lang natin, first love never dies.”

“But that’s a compliment!” natatawa ring reaksiyon ng ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual.

Sabi naman ni Tirso:“ I am not saying anything… of course it’s a compliment!”

“You should be flattered!” sundot na reaksiyon ni Direk Joey.

Nakangiting sagot ni Tirso, “I am Direk. I am…”

Sa isang bahagi ng panayam ni Boy Abunda kay Nora sa Fast Talk, ipinagtapat ng nag-iisang Superstar ng Philippine entertainment industry na baliw na baliw siya noon sa kanyang pagmamahal kay Tirso.

“Sobrang baliw! Sobrang baliw!" rebelasyon ni Nora kay Boy.

"Kapag nag-aaway kami... sorry Pipo, pero ikukuwento ko lang kay Kuya Boy.

“Kapag nag-aaway kami, ay, iinom ako noon!

"Tapos pupunta ako sa bahay niya. Hindi ako papapasukin. Patatahulan ako dun sa aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero hanggang magdamag yon, nandoon ako sa labas. Iyak daw ako…

“Nandoon ako sa labas, tapos makikita ko yung fans nagdadatingan. Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausos ako sa loob ng sasakyan... sobrang pagmamahal,” kuwento ni Nora tungkol sa pagbabaliw-baliwan niya nang dahil sa sobrang pagmamahal kay Tirso.

Kinilig at nabuhayan naman ng pag-asa ang fans ng Guy & Pip love team sa sinabi ni Nora: “Basta ang alam ko, darating ang panahon na baka gustuhin man ng Diyos, e, baka kami...

“Hindi... hindi… grabe, hanggang ngayon, nandoon pa rin, ha? Pero ano na… hindi na masyado pero andoon pa rin.

May kanya-kanya nang pamilya so hindi na. Tahimik na. Masaya na rin ako ngayon.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tirso Cruz III, umiwas magbigay ng pahayag tungkol sa rebelasyon ni Nora Aunor na may nararamdaman pa rin ito para sa dating kasintahan at ka-love team.
PHOTO/S: Gorgy Rula / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results